Sophia Laforteza palaban sa Korean show na ‘The Debut: Dream Academy’, naka-secure ng No. 2 spot
PINATUNAYAN ng 20-year-old trainee na si Sophia Laforteza na kayang makipagsabayan ng mga Pinoy sa mundo ng K-pop.
Kung naaalala niyo, si Sophia ang isa sa mga maswerteng 20 finalists na nakapasok mula sa 120,000 applicants na nag-audition sa “The Debut: Dream Academy,” ang audition program na inilunsad ng South Korean entertainment company HYBE at Geffen Records.
Kamakailan lang, inanunsyo ng show ang fan voting results kung saan nakakuha ng 92,617 votes ang Pinay trainee na siyang nakapag-secure sa kanya sa ikalawang pwesto para sa Mission 2 ng programa.
“Mission 1 Voting Results as decided by you! [emojis] The 6 top-voted contestants will continue to Mission 2,” sey sa pahayag ng show.
Dagdag pa, “The judges then consider your votes and their commentary to decide which 12 of the remaining contestants move forward. Watch the final results now on HYBE LABELS + YouTube Channel.”
Ang bumubuo sa Top 6 ay ang mga sumusunod:
- Samara Siqueira Cunha from Brazil – 92,544 votes
- Manon Bannerman ng Switzerland – 79,083 votes
- Lara Rajagopalan mula United States – 75,213 votes
- Yoonchae Jeong of Korea -72,577 votes
Matapos makumpleto ang Mission 1, ang mga finalist ay may karapatan na magpatuloy sa Mission 2 ng K-pop training system, at bibigyan sila ng immunity mula sa elimination.
Samantala, dalawa mula sa 20 candidates ang natanggal na sa audition program at sila ay sina Hinari Irie from Japan at Adéla Jergová ng Slovakia.
Para sa kaalaman ng marami, ang nasabing programa ay isang talent survival show na kung saan ay maglalaban-laban ang mga nabanggit na finalists para sa binubuong “global pop group.”
Sa isang prep vlog, ikinuwento ni Sophia na ang pagkanta para sa kanya ay “everything to me.”
Sey pa niya, “This is exactly what I’ve been waiting for. I feel like I’ve been working so hard every single day.”
“My first thought when they announced this whole phase was simply my family and my country, and the rest of the people that cared about me. I was just so excited for this,” dagdag pa ng Pinay trainee.
Ang “The Debut: Dream Academy” ay mapapanood sa YouTube at sa Japanese streaming platform na “Abema” hanggang November 18.
Para sa mga hindi pa masyadong aware, under ng HYBE ang ilang sikat na K-Pop artists katulad ng BTS, NewJeans, Seventeen, LE SSERAFIM, Tomorrow X Together, ENHYPEN, at marami pang iba.
Related Chika:
Tom Cruise mas pasabog ang action scenes sa bagong ‘Mission: Impossible’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.