Venus Raj ibinandera ang Top 3 ‘bucket list’

Venus Raj ibinandera ang Top 3 ‘bucket list’ para sa kanyang married life

Pauline del Rosario |January 14,2024
facebook
share this

Venus Raj ibinandera ang Top 3 ‘bucket list’ para sa kanyang married life

Pauline del Rosario - January 14, 2024 - 10:46 AM

Venus Raj ibinandera ang Top 3 ‘bucket list’ para sa kanyang married life

PHOTO: Instagram/@onlyvenusraj

NGAYONG may panibagong journey sa buhay si Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj, excited niyang ibinunyag ang Top 3 bucket list o goals in life na kasama na ang non-showbiz husband na si North Orillan.

‘Yan ang isa sa mga chinika ng beauty queen nang magkaroon ng special episode ang “Major Major Podcast with Venus Raj” noong January 12.

First time niyang ibinandera sa publiko ang kanyang mister at sa pamamagitan ng sampung questions ay unti-unti nilang ibinunyag ang kanilang love story.

Simple lang naman ang nasa listahan ni Venus at unang-una riyan ay ‘yung pagta-travel na silang dalawa lang ng mister.

“This time, I wanna experience traveling with you kasi never po kaming nag-travel na kami lang dalawa,” sey ni Venus.

Baka Bet Mo: Venus Raj ibinandera na ang mister, chinika ang nakakakilig nilang ‘love story’

Patuloy niya, “Alam mo ‘yun, ‘yung mga bagay na hindi natin nagagawa noong we were just boyfriend and girlfriend. So ngayon na we’re married, I love to travel more with you.”

Kasunod diyan ay ‘yung magkaroon ng bonding moments kahit sa pagdi-disenyo lang ng kanilang sariling bahay.

“Number two, to finally create our own home. In a way na not only when it comes to having a family or having children. Pero siguro ‘yung basics lang, like designing our own house together…or even planting in our farm together, stuff like that,” masayang chika ng beauty queen.

At ang panghuli raw sa kanyang bucket list ay ang pagsabak nilang mag-asawa sa matitinding adventures.

“Maybe to do an extreme adventure with you,” sambit ni Venus.

Wika pa niya, “Maybe to do paragliding or maybe surfing. You know, to do something like that, sports or adventure with you.”

Bukod sa mga nabanggit ni Venus, may bahagi rin ng segment kung saan inilahad naman ni North ang kanyang goals and dreams para sa taong 2024.

At isa na raw riyan ay ‘yung magkaroon sila ng first baby ni Venus.

“For me, for us as a family, I wanna start, you know, and have a baby,” saad ng non-showbiz husband.

Ani pa niya, “So we’ve been praying about this even until now and that’s definitely something that I look forward to.”

Sumang-ayon din diyan ang beauty queen, pero ayon sa kanya: “Kahit planuhin namin ni North ‘yan nang maigi, it’s still the Lord’s will that will prevail.”

Magugunita noong December 12 nang ikinasal ang couple na naganap sa Christ’s Commission Fellowship (CCF) Center sa Pasig City.

Naikwento ng dalawa sa nasabing podcast na taong 2018 pa silang magkakilala bilang acquaintances sa simbahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong 2022 naman nang muli silang nagkita at doon na nagsimula ang kanilang pag-iibigan hanggang sa naging mag-dyowa na sila sa kaparehong taon.

Sila’y na-engage noong July 2023 hanggang sa ikinasal na nga noong nakaraang buwan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending