Carmina ayaw nang palakihin ang isyu kay Mavy

Carmina ayaw nang palakihin ang isyu kay Mavy: Huwag nang gawing big deal

Ervin Santiago - January 14, 2024 - 09:05 AM

Carmina ayaw nang palakihin ang isyu kay Mavy: Huwag nang gawing big deal

Mavy Legaspi, Zoren Legaspi, Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, Janice de Belen at Gelli de Belen

AYAW nang palakihin pa ni Carmina Villarroel ang kontrobersyal niyang birthday greeting para sa anak na si Mavy Legaspi.

Naging hot topic ang mag-ina sa social media at sa mga entertainment websites matapos magsalita si Carmina sa show nilang “Sarap Di Ba?” tungkol sa pinagdaraanan ng kanilang pamilya.

Maraming na-curious at napaisip nang  maging emosyonal ang TV host-actress habang nagbibigay ng birthday message para sa kambal nilang anak ni Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy.

Baka Bet Mo: Mavy Legaspi pinigilan ni Carmina na pasukin ang showbiz; mas mahahasa pa ang talent sa ‘Eat Bulaga’

Ipinagdiinan ni Mina sa mga anak na hindi sila ni Zoren ang kontrabida sa buhay nila kundi mga kakampi. Ang nais lang daw niyang maging karelasyon ng kambal ay marespetong mga tao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi ko alam bakit sinasabi nilang  nakikialam ako, but I don’t care because I am your mother. Kung nakialam ako, hindi mangyayari ‘to. So it only means hindi ako nakialam,” ang punto ng aktres.

Walang binanggit na pangalan si Carmina sa kanyang naging pahayag pero naniniwala ang mga netizens na mukhang may konek ito sa paghihiwalay nina Mavy at Kyline Alcantara.

Sa panayam ng “24 Oras” sa aktres, ayaw na raw niyang magsalita pa hinggil sa isyu, “Ang sa akin kasi, parang lahat na lang ng sasabihin ko or lahat na lang ng ipo-post ko, lagi na lang binibigyan ng ibig sabihin na ako naman eh, wala lang.

Baka Bet Mo: Hugot ni Mavy: Tandaan, ang pagmamahal sa magulang never magiging red flag

“So parang, huwag kayong masyadong mag-react, huwag natin masyadong gawing big deal, ‘di ba? Wala akong masamang ibig sabihin,” sey pa ng aktres.

Samantala, samahan ang apat na magkakaibigan sa journey nila patungo sa kakaibang adventure ng buhay. Bumiyahe kasama sina Janice de Belen, Gelli de Belen, Carmina Villarroel, Candy Pangilinan at sumama sa kanilang “ROADTRIP”.

Magsasama-sama ang paborito n’yong IT girls ng 90s na mga tita rin ng podcasting para sa isang pelikulang may kaabang-abang na kwento at magdadala sa atin sa isang trip down memory lane at ipapaalala ang mga masasayang panahon na kasama natin ang pinakamatatalik nating kaibigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Mula sa Viva Films at sa hinahangaang direktor na si Andoy Ranay, ang “Roadtrip” ay isang friendship dramedy movie tungkol sa apat na magkakaibigan na muling magkakasama-sama at sabay-sabay na pupunta sa isang kaibigan.

Si Janice ay gaganap na Gigi, isang writer na likas na mabait, people pleaser, tahimik, at matulungin sa iba, pero pagod na si Gigi sa lahat ng responsibilidad niya at gusto nang pahinga.

Si Gelli ay si Maricar, isang events planner na lagging umiiwas sa maraming tanong ng mga tao.  Si Carmina ay si Chiqui. Isang artista mula sa isang mayamang political family, at nakapangasawa rin ng politiko.

Kahit na mayaman at mukhang kayang gawin ang kahit na anong gusto, kontrolado pa rin ng mga magulang ni Chiqui ang mga desisyon niya sa buhay.

Si Candy naman ay si Sophia, laging busy at maraming pinagkakaabalahan – mula sa pagiging businesswoman, vlogger, pag-handle ng construction firm, at pag-aalaga sa pamilya.

Mukha siyang bossy at arogante pero lagi siyang handang tumulong sa nangangailangan. Gusto ring magpahinga sa lahat ng dinadala.

Kasama rin sa pelikula sina Christian Vasquez, JC Tiuseco, John Lapus, Ethan David, Abby Bautista, Ashtine Olviga, Yumi Garcia, Heart Ryan, at Jastine Lim.

Paano sila makakasabay sa isa’t isa kahit na marami nang nagbago sa mga buhay nila? At paano haharapin ng mga malalakas pero sinusubok na mga kababaihan na ito ang sakit ng pagkawala ng isang kaibigan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Imbitahan na ang buong barkada at sama-samang bumiyahe at mag-enjoy sa kakaibang adventure ng buhay sa ‘Roadtrip”. Showing na ito sa January 17 sa mga sinehan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending