Mavy: Ang pagmamahal sa magulang never magiging red flag

Hugot ni Mavy: Tandaan, ang pagmamahal sa magulang never magiging red flag

Ervin Santiago - January 08, 2024 - 07:15 AM

Hugot ni Mavy: Tandaan, ang pagmamahal sa magulang never magiging red flag

Mavy Legaspi

ABANGERS pa rin ang mga fans nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara sa magiging pahayag nila tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Until now kasi ay tikom pa rin ang bibig ng dating magdyowa at magka-loveteam kung ano talaga ang naging dahilan ng kanilang controversial breakup.

Kaya naman umaasa ang kanilang mga tagasuporta na magsasalita rin ang ex-celebrity couple about their real relationship status tulad nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at Kim Chiu at Xian Lim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maverick Legaspi (@mavylegaspi)


Ngunit kung iintindihin mong mabuti ang mga recent post ni Mavy sa social media at sa naging message niya para sa kanyang 23rd birthday nitong nagdaang January 6, mukhang tapos na talaga ang chapter ng buhay niya with Kyline.

Sa isa niyang Instagram post, nagbahagi si Mavy ng kanyang photo na may caption na, “Chapter 23. i have laughed, i have cried, i have stumbled, and i have soared.

Baka Bet Mo: Mavy proud mama’s boy: To the day that I would die, I would be loyal to my mother, I will protect her with my whole heart!

“Through it all, i have learned to trust in the process, to embrace the unknown, and to believe in my own strength.

“I choose to let go of the expectations and pressures that society imposes and instead focus on living authentically and passionately. more love,” aniya pa.

Samantala, makahulugan din ang binitiwan niyang mensahe nang ipagdiwang nila ng kakambal niyang si Cassy ang kanilang kaarawan sa programa nilang “Sarap Di Ba?” kasama ang inang si Carmina Villarroel.

Naging emosyonal pa nga ang actress-TV host nang magbigay ng birthday message para kay Mavy habang inaalala ang mga pinagdaanang pagsubok ng binata sa personal nitong buhay.

Sabi ni Carmina, “Boto ako sa kahit na sino na liligaw at liligawan ng anak ko.
L And in the future, kung sino man yung makakarelasyon nila, yun lang yung magiging boto ako.

“Saka kapag nakita ko na respectful yung tao na yun, yung totoo, ha? Yung genuine, very sincere. Hindi ako naghahanap ng perpekto, pero yung may respeto sa lahat ng tao,” sey ni Mina.

Sabi naman ni Mavy, “Laging tandaan na ang pagmamahal sa isang magulang, whether nanay or tatay, never yun magiging red flag kahit anong mangyari.”
Na sinang-ayunan agad ni Carmina, “I agree. I agree.”

Sabi naman ng guest nila sa show na si Chuckie Dreyfus, na kasama rin ni Carmina sa seryeng “Abot-Kamay Na Pangarap,” “Hindi puwede yung fake na nagiging mabait lang sa magulang dahil… may ganu’n.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Um-agree naman si Carmina, “That’s right. Gusto ko pa sanang…ikaw, Chuckie, only child ka, so I’m sure even before lagi nilang sinasabi na mama’s boy ka.

“Di ba, pag sinasabing mama’s boy, parang masamang pakinggan?”

Baka Bet Mo: Carmina tinawag na pakialamerang ina: I don’t care because I’m your mother

Sey ni Chuckie, “Na hindi naman talaga. Ibig sabihin lang, close ka sa parents mo, close ka sa nanay mo, at mahalaga din naman yun dahil dapat may koneksiyon kayo ng mga magulang mo.”

Patuloy ni Carmina, “Tama. Siguro nagkakaroon lamang ng hindi magandang dating.”

“Yeah, mali lang ng connotation, pero yes,” chika uli ni Chuckie.

Hugot ni Mavy: Tandaan, ang pagmamahal sa magulang never magiging red flag
Paliwanag pa ni Carmina, “May ibang mama’s boy na, kumbaga, na of age na, nasa marrying age na pero mas pinapakinggan pa rin yung nanay over the wives. That’s why nagkakaroon ng ano…

“Yun lang. Ang dami ko namang sinasabi. Ang dami-dami ko na namang sinasabi. Buti na lang talaga napipigilan ako,” sabi ng aktres

Napag-usapan nila ang tungkol sa mga “mama’s boy” dahil ito ang tawag kay Mavy ng ilang netizens nang maghiwalay sila ni Kyline. Nakikialam daw kasi si Mina sa lovelife ng anak.

Depensa naman ni Carmina, “Tatay and I are just happy that you’re back. You know that I’ve been quiet for the past, how many years?

“Hindi ko alam kung bakit sinasabi nilang nangingialam ako. But I don’t care because I am your mother. Kung nakialam ako, hindi mangyayari ito. So, it only means na hindi ako nakialam.”

“So that’s why I’m so thankful because… that you’re back. Yun lang yun. Baka kasi malagyan na naman ng ibang meaning.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And I want you to know, the two of you, that I would do everything and anything para sa inyong dalawa. Hindi ko lang kayang pumatay. But I would really defend you sa abot ng makakaya ko,” ang lumuluhang pahayag ni Carmina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending