Andrea inatake ng depresyon dahil sa breakup nila ni Derek: Ayaw mo nang tumayo, every little thing iniiyakan mo | Bandera

Andrea inatake ng depresyon dahil sa breakup nila ni Derek: Ayaw mo nang tumayo, every little thing iniiyakan mo

Ervin Santiago |August 24,2022
facebook
share this

Andrea inatake ng depresyon dahil sa breakup nila ni Derek: Ayaw mo nang tumayo, every little thing iniiyakan mo

Ervin Santiago - August 24, 2022 - 07:06 AM

Derek Ramsay at Andrea Torres

“OBVIOUSLY, hindi maganda yung naging paghihiwalay namin,” ang pag-amin ng Kapuso actress na si Andrea Torres tungkol sa controversial breakup nila ni Derek Ramsay.

Inatake pala ng depresyon si Andrea nang maghiwalay sila ni Derek noong 2020 matapos ang dalawang taon nilang relasyon at totoong iniyakan din daw niya ito nang bonggang-bongga.

Ayon kay Andrea, nawalan siya nang gana noong panahong yun at kahit maliit lang na bagay ay iniiyakan niya na malayung-malayo sa dati niyang ugali at personalidad.

“Wala ka nang ganang gumawa ng kahit ano. Ayaw mo nang tumayo, and every little thing iniiyakan mo. Parang lahat nagti-trigger sa ‘yo. Na ang layo-layo sa Andrea, sa usually Andrea na masayahin, positive.

“Allergic ako sa negative, e, kapag na-feel ko na may nega na, shift ko agad ‘yan, e. Pero nu’ng time na yun, bagsak talaga,” ang pahayag ng dalaga sa YouTube vlog ni Toni Gonzaga na may titulong “What Andrea Torres Learned From Her Last Relationship.”

Kuwento ng aktres, isang mahabang proseso rin ang ginawa niyang pagmu-move on na sinimulan niya sa taimtim na pagdarasal at pagbabasa ng Bible.

“Ayun yung nag-church na ako. Ang nilapitan ko yung mga taong alam kong parang may deeper understanding kay God,” sabi ni Andrea.

View this post on Instagram

A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres)


Sa tanong ni Toni na, “What did you learn about yourself after that relationship?” ito ang naging tugon ni Andrea, “Doon pinaka naging close yung relationship ko with the Lord. Super pray talaga ako kasi siyempre parang paano ba ‘to? Siyempre parang may iba na nagagalit kasi hindi ako nagbibigay ng details.

“Pero hindi ko naman ikaliligaya na ma-bash yung tao. Parang for me lang, walang maidudulot na mabuti kapag nagbigay pa ako ng details kung bakit kami nag-break.

“Kasi, obviously, hindi maganda yung naging paghihiwalay namin. So, okay na sa akin na nakausap ko yung mga taong involved,” paliwanag pa niya.

At kung may isang bagay daw siyang natutunan sa breakup nila ni Derek, yan ay ang mahalin muna nang bongga ang sarili bago ang ibang tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, sa question kung nakikipag-date na uli siya, “Hindi ngayon, hindi at the moment. Pabugso-bugso may time na oo may time na hindi.”

Payo ni Andrea sa mga minalas sa lovelife: Magdasal nang taimtim at iwasang maging nega

Barbie sa biglang paghihiwalay nila ni Diego: Hindi siya bad breakup, hindi rin kami magkaaway

Herlene Budol, Buboy Villar naka-jackpot na naman; bakit pinahaba ang exposure sa ‘False Positive’ nina Glaiza at Xian?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending