Kathryn in-unfollow si Daniel sa IG, damay pati sina Liza, Julia at Gillian

Kathryn in-unfollow si Daniel sa IG, damay pati sina Liza, Julia at Gillian

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo (Photo from Instagram)

TINULDUKAN na ni Kathryn Bernardo ang mga nag-iisip na posibleng magkabalikan pa sila ng ex-boyfriend na si Daniel Padilla.

Ito’y matapos ngang i-unfollow ni Kathryn sa Instagram si Daniel.

Ilang beses kasing nagkikita ang ex-couple sa ilang okasyon tulad sa nakaraang ABS-CBN Christmas Special at itong huli ay sa kasal nina Robi Domingo at Maiqui Pineda.

As usual laging nakatutok si DJ kay Kathryn na kahit na nagbibigay na ng senyales ang aktres na “layuan mo ako” ay hindi pa rin natitigil ang aktor.

Kaya ang mga loyalistang supporters nila na umaasa ay nabubuhayan ng loob dahil iniisip nilang baka lalambot din ang puso ni Kathryn kay Daniel.

Baka Bet Mo: Vice Ganda in-unfollow sa socmed ng BFF, si Toni Gonzaga ba ito o si Karla Estrada?

May nagtsika sa amin, “Naiirita na si Kath sa ginagawa ni DJ, feeling dyowa pa rin. Alam mo naman si Kathryn civil lang.”


Anyway, kagabi, Miyerkules ay in-unfollow na ni Kath ang dating karelasyon bilang hudyat na hindi na siya interesado sa binata at marahil ay ayaw na niyang makakita ng latest post ng aktor. Pero naka-follow pa rin naman si Daniel kay Kathryn nang i-check namin.

Baka Bet Mo: Tom Rodriguez in-unfollow ulit si Carla Abellana sa Instagram, nagtanggal na rin ng picture?

Marami kaming nabasang reaksyon ng netizens sa nangyaring ito at ang magandang gawin na lang ng aktor ay mag-move forward na lang at no looking back na.

Tigilan na rin daw ni DJ ang pagdikit-dikit kay Kath dahil hindi nakakaaliw tingnan.

Anyway, hindi lang si Daniel ang in-unfollow ni Kathryn maging ang mga taong naging malapit sa kanilang dalawa kabilang na sina Gillian Vicencio, Liza Soberano at Julia Barretto.

Marami ang nagtaka kung bakit nadamay pati sina Liza at Julia?  Maiintindihan pa raw ang pag-unfollow niya kay Gillian dahil kumalat na na-link ito kay Daniel.

Read more...