Kim baklang-bakla sa piling ni Gerald; posibleng magkabalikan | Bandera

Kim baklang-bakla sa piling ni Gerald; posibleng magkabalikan

Ambet Nabus - May 12, 2017 - 12:10 AM

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON

BAKLANG-bakla naman daw ang peg ni Kim Chiu kaugnay nang pinag-uusapan pa ring interview nila Gerald Anderson sa talk show ni Vice Ganda.

Kahit idinaan ni Kim sa pagpapatawa ang sinabi niyang ginawa niyang investment si Gerald pero nalugi siya, marami pa rin ang nagsabing talagang mas in love nga si Kim kay Gerald noon kung ang pagbabasehan ang mga expensive and not so expensive gifts na ibinigay nito sa aktor.

Well, kahit paano naman ay nasaksihan talaga namin ang love story ng Kimerald, and it is just fair to say na labs naman nila talaga ang isa’t isa.

Bakla man o ano ang naging peg ni Kim, it was because nu’ng time na sila pa ni Ge, boto lahat kasi kay Kim ang mga nakapaligid dito including Ge’s family and dearest friends.

Kumbaga, nakisali rin sila sa investment ni Kim at nu’ng malugi ang aktres, feeling lugi at grabe rin ang iyak at panghihinayang ng mga ito.

Sa totoo lang, hanggang sa mga sandaling ito, buhay na buhay pa rin ang pag-asa nila at ng Kimerald fans na pwede pa ring maging sina Kim at Gerald, di ba, Mommy Vangie? Ha-hahahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending