Kabayanihan ni Nanette Medved ibinandera ng CIA with BA, tunay na Darna

Kabayanihan ni Nanette Medved ibinandera ng CIA with BA, tunay na Darna

Nanette Medved-Po, Boy Abunda, Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano

IBINANDERA ng public service program na “CIA with BA” ang pagpapahalaga nito sa dating aktres at ngayo’y philanthropist na si Nanette Medved-Po para sa kanyang mga ambag sa lipunan sa pamamagitan ng organisasyong HOPE.

Sa segment na “Salamat” sa episode nitong Linggo, January 7, muling napanood sa telebisyon si Nanette makalipas ang ilang taon.

Kasama niya ang kanyang mga kaibigan na sina Boy Abunda at magkapatid na Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Pia Cayetano.

“We’d really like to thank you, not just on a personal level—for what you’ve done for the family, but really what you’re doing for the country, for how you’re giving hope.


“And hopefully we can partner a little bit by sometimes giving a little bit too to all that you’re doing,” sabi ni Alan Peter sa aktres na nakilala rin bilang Darna.

Baka Bet Mo: Dating Darna na si Nanette Medved walang hilig sa mamahaling bag at alahas; payag pa kayang bumalik sa showbiz?

Taong 2012 sinimulan ni Nanette ang HOPE, na ayon sa website nito ay isang B Corp-certified organization na namumuhunan sa edukasyon, agrikultura, at mga programang pangkalikasan.

Kasabay ng pagkakatatag nito, nagsimula ang kanilang misyon sa produktong HOPE in a Bottle na layuning ilaan ang 100% na kita para sa pagpapatayo ng mga silid-aralan sa mga pampublikong paaralan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

“You know, I very much appreciate that you are recognizing the works that we do but can I just say, honestly, it’s not me,” sabi ng aktres.

“You hear the principles saying ‘thank you’ to me and that’s why I don’t attend classroom openings ‘cause ayaw ko na sa akin sila magpasalamat dahil hindi naman ako ang nagbigay sa kanila ng classroom.


“Kayo ang nagbigay, every time you buy (HOPE in a Bottle). Whatever o kung saan man, kayo ang nagbigay, hindi ako, so dapat hindi ako ‘yung pasalamatan,” giit pa niya.

“Ako lang ‘yung nagka-idea. But I still feel that at the end of the day, HOPE is a public trust. When you guys decide to buy a bottle of water, we owe it to you to make sure that the money goes to the right place…it is you, millions of Filipinos who deliver the classroom in Mindanao, in Visayas,” pahayag pa ni Nanette.

Baka Bet Mo: Lolit Solis super touched sa ginawa ni Nanette Medved: ‘Sa lahat ng alaga ko siya pa naman ang hindi ko masyadong naasikaso’

Samantala, pinasalamatan muli niya ang mga taong tumatangkilik sa HOPE in a Bottle.

“I wanna thank you so much. I know I’m here alone but I can speak for everybody at HOPE, including our HOPE Heroes (kabilang na si Tito Boy Abunda).

“Thank you so much for supporting HOPE. Our product is actually not water, our product is the idea of hope. We all have the power to do something kahit konti lang,” aniya.

Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Sen. Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador.

Si Sen. Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang “Compañero y Compañera” noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo, 11 p.m. sa GMA 7.

Read more...