Andrea ayaw matali sa loveteam; ending ng Senior High may matinding pasabog

Andrea ayaw matali sa loveteam; ending ng Senior High may matinding pasabog

Angel Aquino, Xyriel Manabat, Kyle Echarri, Andrea Brillantes, Juan Karlos, Direk Onat Diaz at Elijah Canlas

HANGGA’T maaari ay ayaw matali ng Kapamilya young actress na si Andrea Brillantes sa isang loveteam.

Naniniwala siya na mas maggo-grow siya bilang isang aktres kung mabibigyan siya ng iba’t ibang klase ng projects with different partners and leading man.

Sey ng controversial actress, wala siyang issue sa mga loveteams, pero para sa kanya, mas mahahasa pa ang kanyang akting at pagiging artista kung makakatrabaho niya ang mga magagaling at premyadong aktor at aktres sa mundo ng showbiz.

Sabi nga niya sa isang panayam, “Mas marami na akong nagagawa ngayon, and bago siya. Dati kasi, parang lagi akong may ka-love team. Na-enjoy ko siya, masaya siya, iba ‘yung pakiramdam kasi independent ako.

“Pupunta ako sa set na work lang talaga. Iba kasi iba ‘yung gaan na meron kang kasamang new sa work. Iba ‘yung power na nabibigay niya sa’yo, tsaka feel ko na mas independent ako. Masaya siya,” pahayag ng dalaga.

Baka Bet Mo: Romnick todo puri sa KathNiel: Wala silang pinipiling kasama, kung sinuman sa kanila ang naging anak ko matutuwa ako

Sey pa ni Andrea, super willing din siyang maka-work ang mga pambatong loveteams ng ABS-CBN at sumuporta sa mga ito tulad ng ibinibigay na support sa kanya ng malalaking Kapamilya stars.

Sa finale mediacon ng kanyang hit suspense-drama series na “Senior High”, inamin ni Andrea na mixed emotions ang nararamdaman niya ngayong malapit na silajg magtapos.

Hindi pa rin daw siya makapaniwala na last two weeks na lang sila sa ere kung saan malalantad na kung sino talaga ang pumatay kay Luna, ang kakambal ni Sky na pareho niyang ginagampanan.

“Wala po talaga akong time para mag-sink in sa akin yung sepanx or ano. Nagkaroon na lang ng isang moment na, ‘Oh my gosh, after nito, next na namin kita sa 19 (January, final episode ng serye).’


“Lagi ko po iniisip, magkikita at magkikita pa kami. Noong na-close ko ‘yung scene ko, feeling ko nagkaroon ako ng closure, kasi isinapuso ko talaga ‘yung hurt,” pahayag ni Andrea sa naganap na finale presscon ng “Senior High”.

Baka Bet Mo: Donny kay Belle: Wala rin akong nakikitang ibang gusto o makasama kundi siya

Present din sa final mediacon ang iba pang cast members ng serye na patuloy na humahataw sa ratings game, kabilang na sina Xyriel Manabat, Elijah Canlas, Juan Karlos at Kyle Echarri.

Nandu’n din sina Angel Aquino, Desiree Del Valle, Floyd Tena, Kakki Teodoro, Rans Rifol, Gerald Madrid, Angeli Bayani, Ana Abad Santos, Gela Atayde, Tommy Alejandrino, Miggy Jimenez at Daniela Stranner with Direk Onat Diaz.

Samantala, nagpasalamat din si Miggy Jimenez sa lahat ng tumanggap at yumakap sa love story nila ni Zaijian Jaranilla na gumanap bilang sina Tim at Potch.

“Sobrang overwhelming. I’m beyond grateful. Sobrang grateful po ako sa kung paano tumakbo yung story,” ani Miggy.

Wala si Zaijian sa presscon kaya hindi siya nakasagot sa mga tanong ng press hinggil sa BL loveteam nila ni Miggy.

Read more...