Irene, Seulgi, Wendy ng Red Velvet inispluk ang #2024Goals

Irene, Seulgi, Wendy ng Red Velvet inispluk ang #2024Goals, ano kaya ito?

Pauline del Rosario - January 04, 2024 - 05:37 PM

Irene, Seulgi, Wendy ng Red Velvet inispluk ang #2024Goals, ano kaya ito?

Red Velvet’s Irene, Seulgi, Wendy

MUKHANG maraming aabangan sa sikat na K-Pop girl group na Red Velvet ngayong 2024!

Kamakailan lang, bumisita sa Pilipinas ang ilang miyembro ng grupo na sina Irene, Seulgi at Wendy upang dito salubungin ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Pero bago mangyari ‘yan, nagkaroon muna sila ng exclusive press conference at kabilang ang BANDERA sa mga naimbitahan na entertainment press.

Isa sa mga naitanong sa tatlo ay ang kanilang hopes and plans ngayong 2024 na ika-10th anniversary rin nila bilang grupo.

Ayon sa kanila, maglalabas sila ng bagong album at nais makilala ang iba pa nilang fans.

Baka Bet Mo: BGYO naglabas ng comeback album na ‘BE: US’, top 1 pa sa 5 bansa

“As I mentioned earlier, [year 2024] is our 10th anniversary of Red Velvet’s debut,” saad ni Irene.

Sambit niya, “We would like to release a meaningful album, as well as we want to see more fans.”

Para kay Seulgi, simple lang ang hiling niya ngayong taon –ang maging masaya at malusog.

“I want to have more shows and live a happier life…I hope good health and give my work longevity and do this happier without anxiety,” tugon ni Seulgi.

Ayon naman kay Wendy, nais niyang mag-explore ng ibang bagay at makakilala ng ibang tao kung saan siya ay matuto.

“I’d like to meet up with new people because I usually stay home and I would like to learn things from them… how they live their lives and stuff like that,” wika niya.

Isa ang Red Velvet sa mga nagtanghal sa naganap na New Year’s countdown sa BGC, Taguig City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magugunita na naging abala ang grupo noong nakaraang taon.

Ilan lamang sa mga na-achieve nila ay ang pag-release ng kauna-unahan nilang full-length album after six years, at ang pagsabak ng ilang miyembro sa kani-kanilang solo projects.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending