Hiwalayang Barbie Forteza at Jak Roberto fake news, naglabas ng resibo

Mikee Quintos naglabas ng resibo na fake news ang hiwalayang Barbie-Jak

Paul Salas, Mikee Quintos, Barbie Forteza at Jak Roberto

NAGLABAS ng resibo ang Kapuso celebrity couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto para patunayang hindi sila naghiwalay.

Yan ang paniniwala ng mga supporters ng JakBie sa lumbaal na litrato nila together sa social media. Ito’y sa gitna ng mga chikang nagkalabuan at naghiwalay umano ang magdyowa nang dahil sa Vivamax star na si Ava Mendez.

Base sa panayam kay Ava, totoong nalasing sila ni Jak sa isang party at naging touchy ito, “Hindi lang naman sa akin.


“’Yung mga nakakita kasi binibigyan na nila ng malisya. Pero pag kilala mo ‘yung tao, siyempre parang normal lang, makulit lang kasi nakainom eh. So naiintindihan ko ‘yun.

“Halos maubos na namin ‘yung isang box ng single malt na ininom namin, doon na siya parang naging aggressive.

Baka Bet Mo: Kelvin Miranda inakusahang ‘cheater’,ex-dyowang si Roselle Vytiaco naglabas ng mga ‘resibo’

“May nakakita na fan na binigyan kami ng malisya na niyayakap ako ni Jak tapos si Jak siyempre nahihilo na. So pagkakaalam ng fan inaamoy ako, tapos parang hinahalikan, which is wala namang ganun na senaryo na nangyari.

“Lasing ‘yung tao eh. So naghahanap ng parang sandalan, so ako ‘yung nakitang malapit. So ‘yun ‘yung nangyari,” ani Ava.

Nang tanungin kung papatol siya sa taong may dyowa na, “Hindi. Hindi ko rin gusto, eh. Tsaka hindi ko rin gusto si Jak.”


Pero tila tinuldukan na nina Barbie at Jak ang tsismis na naghiwalay na sila matapos makitang magkasama sa isang picture kung saan super smile sila nang Bonggang-bongga.

Baka Bet Mo: Barbie sa pagmo-motor ni Jak: Sasabihin niya, ‘Mas madaling mag-sorry kesa magpaalam,’ kaya ginagawa niya muna tapos nagso-sorry

Sa Instagram, nag-post si Mikee Quintos ng picture nila ng kanyang dyowang si Paul Salas kasama nga ang JakBie. Ang tanging caption lamang niya rito ay, “Paulkee x Jakbie”.

Nag-comment naman si Barbie rito sa pamamagitan ng mga finger heart emojis habang puro heart emojis naman ang reply ni Jak.

Ilan naman sa mga IG followers ni Mikee ay nagsabing mukhang wala ngang bahid ng katotohanan ang breakup issue sa JakBie at parang hindi rin affected si Barbie sa lasingan issue kina Jak at Ava.

Nauna rito, ilang photos and video na rin ang ipinost nina Barbie at Jak sa social media nitong nagdaang Pasko at Bagong Taon kung saan makikita silang sweet na sweet together.

Read more...