IPINAGDARASAL ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang lahat ng taong naapektuhan at nabiktima ng malakas na lindol sa Japan.
Kasama ni Bea na nag-celebrate ng holiday season sa Japan ang fiancé niyang si Dominic Roque. Doon din nila sinalubong together ang Bagong Taon.
Nag-post si Bea sa kanyang Instagram page ng isang short video kung saan makikita ang kanyang pag-ski sa isang mayelong lugar sa Japan.
Ang caption na inilagay niya sa kanyang IG post ay, “Sliding my way to 2024!”
Baka Bet Mo: Ricci Rivero tinamaan nang bonggang-bongga kay Andrea Brillantes; viral proposal sa UAAP season 84 may ‘sablay’
“Just like skiing, may we learn to embrace the unknown, may it be gentle slopes or unfavorable terrains.
“Whenever we fall, remember that we can always get up and power through, no matter the obstacle,” sabi pa ng Kapuso star.
“I heard that there was an earthquake here in Japan yesterday, praying for everyone affected and hoping that there won’t be any aftershocks (praying heart emoji),” ang dasal pa ni Bea.
Sa huling ulat, umabot na sa 55 katao ang kumpirmadong nasawi dahil sa nangyaring lindol at marami pa ang pinaniniwalaang natabunan sa mga gumuhong mga building at bahay sa iba’t ibang panig ng Japan.
Bukod dito, isang araw matapos ang malakas na lindol, dalawang eroplano naman ang balitang nagbanggaan sa Haneda airport sa Tokyo nitong nagdaang Martes.
Ayon sa report, ligtas ang 379 pasahero at crew ng Japan Airlines, pero limang sakay ng nakabanggaan nitong eroplano ng Coast Guard na tutulong sana sa mga nasalanta ng lindol ang nasawi.