Elijah Canlas nangungulila pa rin sa pumanaw na kapatid

Elijah nangungulila pa rin sa pumanaw na kapatid: I miss you everyday…

Ervin Santiago |January 02,2024
facebook
share this

Elijah nangungulila pa rin sa pumanaw na kapatid: I miss you everyday…

Ervin Santiago - January 02, 2024 - 08:20 AM

Elijah nangungulila pa rin sa pumanaw na kapatid: I miss you everyday...

Elijah at JM Canlas

HANGGANG ngayon ay wasak pa rin ang puso ng award-winning young actor na si Elijah Canlas dahil sa pagpanaw ng kanyang kapatid na si JM Canlas.

Aminado ang binata na araw-araw ay nangungulila pa rin siya at ang kanilang buong pamilya sa biglaang pagkamatay ng kapatid.

Sa kanyang Instagram story, nag-post si Elijah ng kanyang selfie habang hawak ang litrato ng nakababata niyang kapatid.

“I miss you everyday, JM. I can’t believe we’re entering the new year without you,” ang inilagaya ng caption text ni Elijah sa caption a kanyang IG story.

Dugtong pa niyang mensahe para kay JM, “I love you forever. Happy new year, Kulit! Enjoy the celebration up there.”

Baka Bet Mo: Kyle Echarri inalala ang yumaong kapatid na si Bella: Missing you more and more everyday

August, 2023 nang sumakabilang-buhay si JM sa edad na 17 at noong September naman ay nagpa-tattoo pa siya para sa kanyang utol.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elijah Canlas (@elijahcanlas)


Ano Elijah sa kanyang mensahe noong ilibing na si JM, “Maraming salamat po ulit sa pagpunta dito at sa pagsama po sa amin sa pakikiramay, maraming salamat po.

“Alam kong marami pong tanong, marami po tayong tanong kung bakit, kung paano, kung ano… Pero gusto ko lang po ipaalam na he’s been battling with this for a while now and he fought a good fight.

Baka Bet Mo: Elijah Canlas may entry na sa Summer MMFF 2023, bibida pa sa Pinoy remake ng Korean movie at ‘GomBurZa’

“Malakas po si JM. No matter what. Hanggang ngayon, malakas po siya, napakalakas na bata na parang, ang sakit pa rin.

“Ako din po dumaan sa depression, nandiyan po siya para sa akin. He’s always there to make me laugh, he’s always there to cheer me up.

“Sabi nga po ni Daddy kanina, nakilala natin siya bilang masayahin, makulit, may facade na ewan. Pero mabigat na po talaga yung kinakarga niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya kahit siya na po mismo nagsabi na, he would like all of us to find solace in the fact that he’s in peace right now. Kaya magpasalamat po tayo doon. Ipagdasal po natin si JM,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending