Mela binalikan ang winning moment ni Melai sa AAA 2023: Umiyak ako!
BINALIKAN ng pamilya ng TV host-comedienne na si Melai Cantiveros ang mga nakakaloka at nakaka-proud na eksena sa naganap na Asia Artist Awards (AAA) 2023.
Last December 14 nangyari ang AAA 2023 na itinanghal sa Philippine Arena sa Bulacan kung saan isa si Melai sa mga ginawaran ng Best Actor Award para sa pelikulang “Ma’am Chief” na kinunan at ipinalabas din sa South Korea.
Ang mga Korean stars na nakatanggap din ng naturang parangal ay sina Kim Se-jeong, Ahn Hyo-seop, Lee Dong-hwi at Lee Jun-hyuk
Mapapanood sa “MelaSon Family” YouTube channel ang “documentary” na ginawa ng anak ni Melai na si Mela Cantiveros tungkol sa pag-attend nila sa Asia Artist Awards 2023.
View this post on Instagram
“We’re going to Asia Artist Awards. If you’re wondering nasaan si Stela nasa school siya, meron siyang exam pero ako kasi wala. Tapos 6 years old siya, kailangan kasi 10,” ang simulang pagkukuwento ni Mela sa vlog.
Ayon kay Mela, naiyak daw siya talaga habang tinatanggap ng kanyang nanay ang award nito at habang pinapalakpakan ng mga tao sa Philippine Arena.
Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Melai Cantiveros ‘confirmed’ na dadalo sa Asia Artist Awards 2023
“Nu’ng nakita ko si mama, umiyak ako kasi na-happy ako para kay Mama. Na-proud ako.
“Congrats mama and to all the winners, mga Koreano tapos mga Filipino,” ang sey pa ng social media personality.
Nag-viral ang acceptance speech ni Melai sa socmed dahil sa kanyang pag-i-English. Tawanan at palakpakan ang audience nang magpasalamat sa award na natanggap.
“If someone (questions) why I have (an) award, don’t worry, I question too. I just (received) an award all my life from my mother and father every time they are angry (with) me.
“But tonight, my heart is kuan… the best. I think it’s because God moves in mysterious ways,” sey ni Melai na sinundan nga ng napakalakas na hiyawan mula sa mga kapwa Asian artists.
Hirit pa niya, “But tonight, my heart is very kuan, the best…I think because of God moves in mysterious ways.
View this post on Instagram
“Thank you, AAA. I cannot believe this is happening. I’m very sorry to the Koreans [that] I act like this. I’m so overwhelmed [by] this kind of award. Thank you, Lord, to my family, we will serve the Lord,” dagdag pa ni Melai.
Baka Bet Mo: Netizens umalma nang tawaging ‘mukhang unggoy’ si Melai ng anak, depensa ng komedyana: Joke-joke lang kasi ‘yun guys!
Sa isa naman niyang Instagram post, nag-share rin siya ng mga BTS o behind-the-scene photos na kuha sa naturang event.
“Mga pics ko sa backstage/behind the scene sa #AAA kasi nakakahiya talaga magpapic dun. As in ui, xmpre with the best of the best @officialsb19 , @benandbenmusic (sic).
“Insert very beautiful Kathryn @bernardokath nilagay ko lang pic ko sa Ball kasi di ako nakapapic sa knila ni DJ kasi nasa kabilang side sila and Daniel @supremo_dp na nasama ko pa sa pic sila momshiejols and maymay kasi di rin ako nakapapic kasi sa kabilang side dn sila,” hirit pa ni Melai sa kanyang caption.
Inalala rin niya ang moment nang makilala niya up close and personal ang kanyang idol na si Kim Seon-ho.
“Kahit di ako nakapapic sa mga Best of best Stars lalo na kay @seonho__kim , ok lang masaya na ako masilayan ang mga glass-skin nilang mukha. Grabe talaga as in mga mukha nila parang dinesign na walang pores, nakaka Amaze uu,” sey pa ng komedyana.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.