Gelli tinalakan si Janice nang matalo sa 'Tumpakners' game

Gelli tinalakan si Janice nang matalo sa ‘Tumpakners’ game: Walang pag-asa!

Ervin Santiago |January 01,2024
facebook
share this

Gelli tinalakan si Janice nang matalo sa ‘Tumpakners’ game: Walang pag-asa!

Ervin Santiago - January 01, 2024 - 09:00 AM

Gelli tinalakan si Janice nang matalo sa 'Tumpakners' game: Walang pag-asa!

Gelli de Belen at Janice de Belen

NAGPASABOG ng good vibes at katatawanan ang magsisteraka na sina Janice at Gelli de Belen sa kanilang pa-games ngayong holiday season.

Sa kanilang Christmas celebration, sumabak ang magkapatid sa sikat na sikat na laro ngayong “Tumpakners” mula sa Kapamilya noontime show na “It’s Showtime.”

Dito, nakatayong magkatalikod ang mag-partner at kailangang pareho ang kanilang magiging sagot pagharap nila sa isa’t isa base sa kategoryang itatanong sa kanila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gelli de Belen-Rivera (@gellidebelen)


Sa kaniyang Instagram post, ibinandera ni Gelli ang isang video ng mga nakakalokang moments nilang magkapatid habang naglalaro ng “Tumpakners.”

Baka Bet Mo: Gelli, Ariel never pang nag-away sa 25 years na pagsasama bilang mag-asawa: ‘Hindi pa kami nagdabugan at nagmurahan’

Ang caption ng TV host-actress sa kanyang IG post, “Christmas games, dahilan ng pag aaway namin ni @super_janice (laughing emoji).”

Sa simulang bahagi ng video, hiningan sina Gelli at Janice ng pangalan ng babaeng artista. Sagot ni Gelli, “Janice de Belen!”

“Sharon Cuneta,” ang sey naman ni Janice. Na sinundan ng malakas na tawanan ng mga kapamilya at iba pang kasamahan nila sa bahay.

“Wag ka nang lalayo, ah! Isipin mo lang yung buhay natin,” ang hirit ni Gelli kay Janice na tawa lang nang tawa.

Sa second category magkaiba pa rin ang kanilang naging sagot sa male K-drama star. Ang nabanggit ni Gelli ay ang favorite ni Janice na si Song Joong-Ki (bida sa Descendants of the Sun) habang si Janice ay si Lee Min-Ho (Legend of the Blue Sea).

Kunwaring galit na hirit ni Gelli sa kapatid, “Di ba si Song Joong-Ki yung favorite mo ngayon? Si Song Joong-Ki yung alam ko kasi siya yung nasa phone mo eh!”

“Mas madali kasi si Lee Min-Ho,” ang natatawang depensa naman ni Janice.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gelli de Belen-Rivera (@gellidebelen)


Sa last category, malas pa rin ang magsisteraka dahil hindi pa rin nila nakuha ang magkaparehong sagot sa brand ng bag kaya naman halakhakan uli ang kanilang mga kaanak. As in wala silang nakuhang score hanggang matapos ang kanilang laro.

Baka Bet Mo: Gelli de Belen happy wifey pa rin sa piling ni Ariel Rivera, 25 years nang nagsasama, nag-share ng tips sa mga mag-asawa

“Wala talagang pag-asa,” ang super laugh na sey ni Gelli.

Tuwang-tuwa naman ang mga netizens nang mapanood ang video ng magkapatid na aktres kabilang na ang mga kaibigan nilang celebrities.

“Ambooott nalang hahahahhahahahahha Cute kaayu,” ang reaksyon ng komedyanang si Melai Cantiveros.

“Dami Kong tawa sa Inyo mars!!! Naway magkaayos na kayong magkapatid bago mag new year lolzzzz!!!” chika naman ng TV host na si Suzy Entrata Abrera.

“Hahaha…nakakasira talaga ng samahan ang mga Christmas games.”

“Ung stress ka sa pag huhula then kalmado naman ang ka partner mo, ang saya. merry Christmas!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At nag away pa nga. Dami ko tawa. Patulog na sana ako e nakita ko to.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending