#Pasabog2023: Controversial celebrities na nag-trending this year

#Pasabog2023: Mga controversial celebrities na nag-trending this year

Therese Arceo |December 31,2023
facebook
share this

#Pasabog2023: Mga controversial celebrities na nag-trending this year

Therese Arceo - December 31, 2023 - 09:46 PM

#Pasabog2023: Mga controversial celebrities na nag-trending ngayong taon

PUNUNG-PUNO ng kulay ang mundo ng showbiz dahil sa mga controversial celebrities na nag-trending at nag-viral ngayong 2023.

VICE GANDA

Isa sa mga pinag-usapan ngayong taon ang Unkabogable Star na si Vice Ganda lalo na nang maging isyu ang pagkain nila ng icing on national TV kasama ang kanyang partner na si Ion Perez.

Umabot pa nga ito sa pamunuan ng Movie and Television Review Classification Board (MTRCB) at naging isa sa dahilan ng pagkakasuspinde ng kanilang noontime program na “It’s Showtime”.

TITO SOTTO, VIC SOTTO, AT JOEY DE LEON

Sino nga ba ang makakalimot sa petsang May 31, 2023 kung saan makalipas ang ilang dekada, nilisan na nila nang tuluyan ang TAPE Inc.

Ang TAPE Inc., ang producer ng longest running noontime show na “Eat Bulaga” na siyang programa ng TVJ.

Kamakailan ay pinanigan ng Intellectual Property Office of the Philippines ang trio at sinabing ito ang tunay na may karapatan sa trademark na “Eat Bulaga”.

Baka Bet Mo: #PasabogSaBagongTaon: ‘Ang wish list namin sa mga controversial celebitiers para sa 2023’

KATHRYN BERNARDO at DANIEL PADILLA

Isa sa mga pinag-usapang artista ay sina Kathryn at Daniel na ilang linggo ring napabalitang hiwalay bago tuluyang kinumpirma noong November 30.

Bagamat iba’t-iba ang mga teorya ng madlang pipol kung kailan at ano ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa, pinili ng dalawa na huwag na itong idetalye sa madla bilang respeto na rin sa kanilang pinagsamahan.

ANDREA BRILLANTES

Bukod sa kanyang break up sa basketbolistang si Ricci Rivero, naging maingay ang pangalan ng aktres matapos itong masangkot bilang umano’y third party ng hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa kabila ng mga pasaring ng madlang pipol ay nananatiling tahimik ang aktres sa akusasyong ibinabato sa kanya.

Baka Bet Mo: Birthday ng controversial celebrities ngayong 2021, trending sa socmed

PAOLO CONTIS

Maituturing na isa sa mga controversial celebrities si Paolo Contis lalo na’t mukhang siya ang favorite ng mga bashers na batikusin online.

Lalo pa siyang napag-usapan dahil isa siya sa mga pumalit sa TVJ bilang isa sa mga main hosts ng programang “Eat Bulaga”.

PURA LUKA VEGA

Naging kontrobersyal ang drag queen na si Pura Luka Vega matapod mag-trending ang kanyang “Ama Namin” remix perfomance kung saan nakasuot siya ng ala-Jesus Christ na damit.

Umabot pa nga na nakasuhan ito ng iba’t ibang religious groups at kinondena ng madlang pipol dahil hindi nila nagustuhan ang naging performance niya.

Nanindigan naman si Luka na walang mali s kanyang “art”.

Kamakailan lang nang ma-dismiss ang isang kaso ni Luka.

AWRA BRIGUELA

Sino nga ba ang makakalimot sa nangyaring insidente sa isang bar sa Poblacion, Makati kung saan nasangkot sa awayan na nauwi sa arestuhan ang aktres na si Awra Briguela.

Ilang buwan rin siyang nanahimik sa social media ngunit recently ay muli na itong naging aktibo at nagpakita in public.

HERLENE BUDOL, ROB GOMEZ, at BIANCA MANALO

Hindi rin papahuli ang Kapuso stars na sina Herlene Budol, Rob Gomez, at Bianca Manalo matapos mag-viral ang leaked screenshot ng conversation nila na uploaded mismo sa IG account ni Rob.

Pinabulaanan naman ni Herlene ang chikang buntis siya at sinabi rin ni Bianca na walang katotohanan na may namamagitan sa kanila ng Kapuso actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

RICHARD GUTIERREZ AT SARAH LAHBATI

Usap-usapan ngayon ang mag-asawang si Richard at Sarah matapos mapansin ng netizens na tila hindi na nagsasama ang dalawa sa mga ganap at hindi na rin sila nagpo-post ng pics together.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon sa estado ng relasyon ng dalawa ngunit matibay ang paniniwala ng iba na hiwalay na sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending