Birthday ng controversial celebrities ngayong 2021, trending sa socmed | Bandera

Birthday ng controversial celebrities ngayong 2021, trending sa socmed

Therese Arceo |September 08,2021
facebook
share this

Birthday ng controversial celebrities ngayong 2021, trending sa socmed

Therese Arceo - September 08, 2021 - 04:38 PM

MUKHANG maraming time ang mga netizens dahil nagawa pa nitong i-check at i-group ang birthdays ng mga controversial celebrities.

Ang mga celebrities na ito ay talagang naging maingay matapos madawit sa kontrobersyal na hiwalayan. Ilan na nga sa mga ito ay sina Gerald Anderson, Julia Barretto, Paolo Contis, Yen Santos, Aljur Abrenica, Heaven Peralejo.

Pawang pare-parehas kasing Marso ang kaarawan nina Gerald, Julia, Aljur, at Paolo samantalang sina Yen at Heaven naman ay November.

Grabeng coincidence daw na pare-parehas ang birthday nina Paolo, Aljur, Gerald, at Julia na napabalitang nang-iwan o nakipaghiwalay sa mga dati nilang karelasyon.

At sumakto raw na parehong Nobyembre ang birth month ng mga iniintrigang mang-aagaw raw na sina Yen at Heaven.

Sabi ng netizens, mag-ingat daw sa mga jowang March ang birth month dahil mang-iiwan ang mga ito at kung may tropa daw na November ang birth month ay ilayo agad ito sa dyowa para hindi maagaw.

Sey ng isa, “March & Nov perfectly fated from imperfect relationship.”

Mayroon ring nirerelate ang comment sa mga zodiac signs tulad ng comment ng isang netizen na, “no to aries and pisces malala talaga haha.”

No comment naman ang mga nasabit na celebrities sa trending post na ito at tila hinahayaan na lang ang mga netizens kung ano ang ikasasaya nila.

Ngunit ingat ingat rin dahil mahirap na kapag sumubra sa biro.

Ani nga ng isang netizen, “be a chismosang marangal with a heart.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending