Jessy, Luis sa 1st birthday ni Baby Rosie: You are our biggest blessing!
PROUD na ibinandera ng celebrity couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano ang kauna-unahang birthday bash ng kanilang anak na si Rosie o mas kilala bilang baby Peanut.
Sa magkahiwalay na Instagram post ng mag-asawa, makikita ang ilang cute na cute at bonggang pictorial ng kanilang panganay.
Ang tema ng mga pictures ay tila floral na may shades of pink, red at gold.
“Happy 1st birthday to our little girl, Rosie!” pagbati ni Jessy sa kanyang IG.
Inisa-isa rin ng aktres ang ilan sa mga natutunan niya mula nang maging isa siyang ina.
Baka Bet Mo: Anne Curtis kinantahan si Baby Rosie, sey ni Luis Manzano: ‘First time ko nakita naguluhan anak ko!’
“You have taught me patience, kindness and most of all how to LOVE unconditionally [smiling face with hearts emoji]. Being your mother is an absolute blessing and I cannot imagine my life without you,” sey niya.
Mensahe pa niya, “You are my everything, my love [holding back tears emoji] Thank you for bringing joy into our lives, our little sunshine! [heart emoji]”
Samantala, short but sweet message naman ang ibinahagi ni Luis para sa anak.
“Happy 1st birthday to the Peanut that changed our lives, Mama and I love you very much anak,” caption niya.
Ani pa ng TV host-actor, “You are our biggest blessing…anything and everything for you Peanut… i love you.”
View this post on Instagram
Ilan lamang sa mga kapwa-artista na bumati sa mag-asawa, lalong-lalo na sa kaarawan ni baby Peanut ay sina Melai Cantiveros, Alex Gonzaga, at Iza Calzado.
Kung maaalala, noong December 28 ng nakaraang taon ipinanganak ng aktres ang panganay nila ni Luis, ngunit January 7 lang nila ito ibinandera sa publiko at pinangalanang si Isabella Rose Tawile Manzano.
Matatandaang taong 2021 nang ikinasal sina Luis at Jessy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.