Rob Gomez ibinandera ang binyag ng anak, deadma sa isyu

Rob Gomez ibinandera ang binyag ng anak, deadma sa isyu

Therese Arceo |December 25,2023
facebook
share this

Rob Gomez ibinandera ang binyag ng anak, deadma sa isyu

Therese Arceo - December 25, 2023 - 06:48 PM

Rob Gomez ibinandera ang binyag ng anak, deadma sa isyu

PROUD na ibinandera ng Kapuso actor na si Rob Gomez ang kanyang mag-inang sina Shaila Rebortera at Amelia ngayong Kapaskuhan.

Sa kanyang latest post sa Instagram ay makikita ang ilang mga larawan na kuha sa binyag ng kanilang anak kamakailan.

“I love you 3000. TYG,” saad ni Rob sa kanyang caption.

Makikitang naka-off ang comment section sa kanyang post.

Mukha namang tikom ang bibig ni Rob hinggil sa kinasasangkutang isyu kung saan dawit rin ang kanyang “Magandang Dilag” co-stars na sina Herlene Budol at Bianca Manalo.

Hanggang ngayon kasi ay palaisipan pa rin sa madlang pipol kung paanong kumalat ang screenshots ng kanilang usapan na mismong naka-upload sa kanyang Instagram account.

Baka Bet Mo: Rob Gomez trending sa social media, may relasyon nga ba kay Herlene Budol?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Bago pa nga ma-delete ni Rob ang mga posts ay nag-viral na ito sa iba’t ibang social media platforms.

Base sa kanyang ipinadalang paag sa PEP.ph, sinabi niyang hindi otorisado ang pag-a-upload ng mga screenshots ng kanyang palitan ng mensahe sa mga katrabaho.

“Please be advised that my phone was taken and used it without my consent on December 20, 2023 from 12:30 a.m. to 4 p.m. Worse is that the person who took my phone posted pictures of mine in my own social media account pretending that I posted it with the intention of destroying my reputation,” saad ni Rob.

Pagpapatuloy niya, “The videos as shown were among my friends and co-stars who was trying to cheer me up when I was going through a lot of hurdles in my life.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang hinala naman ng iba ay mismong si Shaila ang kumuha at nag-post ng mga screenshots matapos niya itong makita sa cellphone ni Rob.

Wala pa namang pahayag si Shaila hinggil sa mga ibinabatong akusasyon ng ibang netizens.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending