Win Gatchalian kay Bianca Manalo: No fake news will divide us apart
NAGLABAS na ng pahayag si Sen. Win Gatchalian kaugnay sa isyung kinasasangkutan ng kanyang longtime girlfriend na si Bianca Manalo.
Ngayong Sabado, December 23, nag-post ang senador ng mga Christmas gifts na kanyang natanggap mula sa kaibigan at kapwa senador na si Sonny Angara at asawa nitong si Tootsy Angara.
Ang naturang regalo ay dalawang picture frames na mayroong sweet pictures nila Win at Bianca.
Ayon sa senador, parehas ang values at prinsipyo nila ng beauty queen-actress.
“What a beautiful Christmas gift from @tootsyangra and @sonnyangra. @biancamanalo and I share the same values and principles in life,” saad ni Sen. Win.
Giit pa niya, “No fake news will divide us apart.”
Baka Bet Mo: Win Gatchalian sa isyu ng dyowang si Bianca Manalo: No comment
View this post on Instagram
Matatandaang una nang tumanggi si Sen. Win na magbigay ng komento ukol sa isyung kinasasangkutan ng kanyang longterm girlfriend nang tanungin siya sa nagdaang Zoom press briefing ng 2024 national budget.
Makikita ring nananatiling maayos ang samahan ng dalawa dahil nag-comment oa nga ang senador sa recent IG post ni Bianca na kasalukuyang nasa Japan.
Based sa post ng dyowa ni Sen. Win ay nasa Disneyland Japan ito ar nakasuot ng Russian hat.
“We bought that hat in Venice,” comment ng senador na may kasama pang heart emoji.
Samantala, nag-react naman si Xian Gaza sa inilabas na pahayag ng dyowa ni Sen. Win.
“Kinumpirma niya na legit talaga yung screenshots. Yan ang pinakamaling ginawa niya, maglabas ng official statement,” sey ni Xian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.