Mariel Rodriguez sa namayapang ina: Thanks for always being proud of me
“Thanks for always being proud of me. Rest now mom (praying hands),” ito ang nabungaran naming post ni Mariel Rodriguez – Padilla kasama sa larawan ang Mommy April Siazon niya.
Walang ibinigay na detalye si Mariel kung nandito sa bansa ang ina o nasa Amerika kung saan ito nakabase.
Sa pagkakatanda namin ay nasa Amerika ang ina at umuuwi dito para magbakasyon at makapiling ang mga anak na sina Kaye Termulo-Garcia at Mariel kasama ang mga apo at siyempre para makasama rin ang magulang na sina Ginoong Rafael at May Siazon.
At dahil nasa ibang bansa ang ina ni Mariel kaya lumaki siya sa piling ng maternal grandparents.
Tsinek namin ang post ng ate Kaye Termulo-Garcia ni Mariel at nag-post din ito ng larawan ng ina, pero ang caption ay emoji red heart.
View this post on Instagram
Ang mga celebrities na nag-post ng pakikiramay kay Mariel ay Sina Karylle, Konsehala Aiko Melendez, Marjorie Barretto, Bianca Gonzales-Intal, at mga non showbiz friends and followers ng nanay nina Isabella at Gabriella.
“Prayers and tight hug Ma. [praying hand emojis] Deepest condolences,” komento ni Toni Gonzaga.
Sey naman ni Marjorie Barretto, “My deepest Condolences my dearest Mommy Mariel. I love you and Kaye so much. Praying with you.”
“Ma!!! yakap at panalangin. nakikiramay ako nak may she rest in peace,” komento ni Pokwang.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pa kaming nakikitang post ang hubby ni Mariel na si Senator Robin Padilla.
Nakikiramay kami sa buong pamilya Siazon at sa magkapatid na Mariel at Kaye.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.