MMFF 2023 REVIEW: Plot twist ng Kampon nakakaloka, acting ni Zeinab pasado

MMFF 2023 REVIEW: Plot twist ng Kampon nakakaloka, acting ni Zeinab pasado

Derek Ramsay, Beauty Gonzalez, Zeinab Harake at Erin Espiritu

KUNG mahilig kayo sa horror-suspense movies na tatakutin ka at pag-iisipin ka nang bonggang-bongga, perfect sa inyo ang “Kampon“.

Ito ang entry ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival 2023 na pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Beauty Gonzalez at ang child actress na si Erin Espiritu with Zeinab Harake and Nico Antonio.

Watch na namin ang “Kampon” na dapat sana’y para sa Queen of All Media na si Kris Aquino pero hindi na nga niya ito nagawa dahil tinamaan na siya ng kanyang autoimmune disease.


Hanggang sa napunta na nga ito kay Beauty at maswerteng napili bilang isa sa 10 official entry sa Metro Manila Film Festival 2023 at showing na sa mga sinehan simula sa December 25.

Ginanap ang premiere night ng “Kampon” recently sa SM Megamall Cinema 2 kung saan present ang cast members with their director King Palisoc at ang  producer nitong si Atty. Joji Alonso.

Punumpuno rin ang sinehan ng mga fans at supporters na talaga namang nag-enjoy sa pagtili base sa naging reaksyon nila habang ipinalalabas ang pelikula.

In fairness, maraming gulat factor ang “Kampon” na hindi mo inaasahan kaya talagang mapapasigaw ka na lang sa takot at pagkabigla sabay tawa dahil hiyang-hiya ka sa tabi mo sa sinehan.

Baka Bet Mo: Barbie, Jak deadma na sa fake news; Erin ipinakilala ang real dyowa

Pero sabi ko nga, mas magugustuhan ito ng mga mahihilig sa medyo deep na horror movie dahil pag-iisipin ka muna tungkol sa plot twist ng kuwento bago ang major, major revelation.

Acting-wise, hindi imposibleng ma-nominate sina Derek at Beauty sa pagka-best actor at best actress sa MMFF 2023 Gabi Ng Parangal dahil sa natural at makatotohanang aktingang ipinakita nila sa movie bilang mag-asawang hindi magkaanak.

Magugulo ang masaya at tahimik na buhay nina Clark at Eileen (Derek at Beauty) nang biglang dumating ang misteryosong bata sa kanilang bahay – si Jade, na nagpakilalang anak daw siya ni Clark.

Siyempre, shookt sina Clark at Eileen! Paano nga naman magkakaanak si Clark e, baog nga siya!? Iyan ang kailangan n’yong abangan at panoorin dahil ayaw naman namin kayong pangunahan. Ha-hahahaha! No spoiler, please!

Pero gusto naming bigyan ng special mention sina Zeinab Harake at Erin Espiritu na talaga namang agaw-eksena sa pelikula sa kabila ng pagiging baguhan sa larangan ng pag-arte.


Pasadung-pasado para sa amin ang akting ni Zeinab bilang babaeng promdi na nagkaroon ng hindi maipaliwanag na kundisyon matapos maaksidente kasama ang kanyang anak na si Jade.

Baka Bet Mo: Ogie napamura nang ibenta ng anak ang mamahaling gamit sa FB live selling

Kung mabibigyan pa ng iba pang challenging projects ang content creator, siguradong malayung-malayo pa ang mararating niya bilang aktres. Pinuri rin siya ng mga nakausap naming nanood sa premiere night ng “Kampon.”

Hindi rin pwedeng isnabin ang pang-best supporting actor na performance ng character actor na si Nico Antonio na gumanap bilang kapatid ni Zeinab sa kuwento na mala-zombie ang datingan kanyang karakter.

At siyempre, hindi namin pwedeng makalimutan ang child actress na si Erin na feeling namin ay siya talagang bida sa naturang MMFF 2023 entry dahil sa kanya umikot ang kuwento.

Grabe ang bagets! Kering-keri niya ang iba’t ibang emosyon na ipinagawa sa kanya ni Direk King at talagang matatakot ka sa mga eksena niya, kabilang na ang mga confrontation scenes niya with Derek.

Deserving si Erin na manalong best actress o best child performer sa “Kampon”.

Read more...