Barbie, Jak deadma na sa fake news; Erin ipinakilala ang real dyowa | Bandera

Barbie, Jak deadma na sa fake news; Erin ipinakilala ang real dyowa

Therese Arceo |July 31,2021
facebook
share this

Barbie, Jak deadma na sa fake news; Erin ipinakilala ang real dyowa

Therese Arceo - July 31, 2021 - 02:45 PM


PINATUNAYAN nina Barbie Forteza at Jak Roberto na walang katotoohanan ang kumakalat na balita sa social media na hiwalay na sila.

Matapos ngang mag-viral at mabiktima ng isang parody page online, deadma na lang ang dalawa at sa katunayan, magkasamang ipinagdiwang ng dalawa ang birthday ni Barbie.

Bilang selebrasyon ng 24th birthday ng aktres, nagkaroon ito ng dinner sa isang restaurant kasama si Jak at ang kanyang mga magulang.

Sa Instagram post ni Jak, maikli ngunit sweet lang ang birthday greeting nito.

Kabuuan ng caption ni Jak: “Happy birthday to the love of my life! Sana matapos this year lahat ng pinapagawa mo! Amen (three praying emojis) I love you so much (three red heart emojis)”

Reply naman ng dalaga, “Awww thank you so much mahal ko (heart) I love you (heart) @jakroberto”

Maraming fans at kaibigan mula sa industriya ang bumati ng maligayang kaarawan sa kanila. May ilan rin na nag-comment sa pagiging sweet ng dalawa.

Sorry na lang talaga sa mga nagkakalat ng fake news tungkol sa dalawa at mukhang tuloy na tuloy pa rin ang pagce-celebrate nila ng mga monthsary at pag-e-exchange gift sa darating na Pasko.

* * *

Pinakilala na nga ng Kapuso actress na si Erin Ocampo ang kaniyang non-showbiz boyfriend sa madlang pipol.

Nag-post ito sa kanyang instagram account ng photo kung saan nakayakap siya kay Henry Iloka, ang kanyang boyfriend.

“Hi, baby @ilokahenry23 [girl, shaking heads, boy, heart emojis],” simula ng caption ng aktres.

“These words are not enough to let you know the immense feeling that I have for you.

“Ever since I have met you, I have experienced the moments of paradise. Everything is so magical.

“You are that one man who has brought back all the happiness and cheer of my life which I was searching for until now.

“In your company, I feel so blessed, secured and happy and I wish to spend every moment with you.

“I am grateful for everything that we have.

“It’s sad to say goodbye again after a week of vacation with you, but I know we’ll see each other again soon.

“Thank you for being you Babe, I love you so much.”

Si Henry ay isang Nigerian basketball player sa PBA D-League. Parte rin ito ng koponan ng McDavid-La Salle Araneta.

Matatandaan na isa si Erin sa mga pangalan na nadawit sa hiwalayang Aljur at Kylie kasama ang mga kapwa aktres na sina Maika at Cindy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala man siyang direktang pahayag ukol dito, tila ito na nga ang patunay ng aktres na wala siyang kinalaman sa paghihiwalay ng dalawa at iba ang nagpapatibok ng kanyang puso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending