‘Kampon’ nina Derek at Beauty, posible bang magkaroon ng part 2?
MAY prequel o sequel kaya ang pelikulang “Kampon” nina Derek Ramsay, Zeinab Harake, Erin Espiritu at Beauty Gonzalez?
Kaya namin ito naitanong ay dahil open-ended ito tulad ng pagkabuhay ni Beauty habang kasama si Erin pauwi ng bahay nila pagkatapos nilang makasagupa ang mga Kampon na pinasabog ang ulo.
Palaisipan sa manonood kung si Beauty pa ba talaga ang nasa katawan niya o si Zeinab na tunay na ina ni Erin.
Hindi naman namatay si Nico Antonio bilang kuya ni Zeinab at si Derek naman ay puwedeng mabuhay pa sa next film o baka iba na ang gaganap sa karakter niya.
Mabuti na lang at hindi kami kumurap dahil nakita namin ang karakter ni Kean Cipriano na taga DSWD na hinahanap ang bahay nina Beauty at Derek. Ang bilis ng pangyayari.
Baka Bet Mo: Zeinab Harake, Derek Ramsay nagpaka-wild, nagkagatan ng labi
Anyway, may mga gulat factor ang pelikula at pag-iisipin ka kung bakit ganito o ganu’n ang nangyari sabi ng cast ay psychological at hindi traditional horror movie ang Kampon.
Ganito ang gusto ng mga mahihilig sa horror films, pinag-iisip sila at ayaw nila ng predictable kaya sa mga manonood ng Kampon, siguruhing may mga kasama kayo at paminsan-minsan ay lingunin din ninyo ang mga katabi ninyo kung may ulo pa.
Ang ganda ng opening na tumatakbong nakapasan si Zeinab kay Nico habang patungo sa bahay ng manggagamot na si Lui Manansala para iligtas siya. Ang galing ng dalawa sa eksenang iyon at ang pagtulo luha sa isang mata ng baguhang aktres.
Baka Bet Mo: Derek baby girl na ang gustong maging anak nila ni Ellen: ‘Pero kawawa dahil…’
Pero siyempre, ang pinakamahusay sa “Kampon”, si Erin at feeling namin ay siya ang mananalong Best Child sa MMFF Awards night na gaganapin sa New Frontier Theater sa Disyembre 27.
Kaya lang anim na taon muna ang palilipasin ni Erin bago niya mapanood ang Kampon dahil nga R-13 ang rating nito mula sa MTRCB at siya ay pitong taong gulang palang.
Ang Kampon ay mapapanood na sa Disyembre 25 produced ng Quantum Films para sa Metro Manila Film Festival 2023, idinirek ni King Palisoc at sinulat ni Dodo Dayao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.