Derek baby girl na ang gustong maging anak nila ni Ellen

Derek baby girl na ang gustong maging anak nila ni Ellen: ‘Pero kawawa dahil…’

Reggee Bonoan |December 13,2023
facebook
share this

Derek baby girl na ang gustong maging anak nila ni Ellen: ‘Pero kawawa dahil…’

Reggee Bonoan - December 13, 2023 - 04:03 PM

Derek baby girl na ang gustong maging anak nila ni Ellen: 'Pero kawawa dahil...'

Derek Ramsay

AMINADO si Derek Ramsay na minsan ay natutulala na lamang siya dahil sa pagkawala ng panganay sana nila ng asawang si Ellen Adarna.

Naikuwento ito ng aktor sa mediacon ng pelikulang “Kampon” na kasali sa 2023 Metro Manila Film Festival na mapapanood simula ngayong Disyembre 25 produced ng Quantum Films na isinulat ni Dodo Dayaw at idinirek ni King Palisoc.

Napakahirap at napakasakit para kina Derek at Ellen ang sitwasyon nila ngayon matapos nganga malaglag ang sanggol sa sinapupunan ng dating aktres.

Kitang-kita sa mukha ni Derek ang kalungkutan habang nagkukuwento hinggil sa naging karanasan nila ng asawa nang malamang magiging parents na sila pero bigla ngang nakunan ang nanay ni Elias (anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz).

“Medyo hindi ko alam kung ano ‘yung mapi-feel. Kasi rollercoaster, eh. Super happy, biglang lowest of the low,” sambit ng aktor.

Katatanggal lang daw ng IUD o intrauterine device kay Ellen kaya’t hindi expected ni Derek na nasa interesting stage na ang asawa.

“She was delayed, hindi kasi nadi-delay ‘yun, so, nag test tapos positive nga, so ang saya-saya ng lahat.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake, Derek Ramsay nagpaka-wild, nagkagatan ng labi

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“‘Yan talaga ang wish. ‘Yan na lang talaga ang kulang sa life ko. I’m very blessed and I’m really in a good spot right now and ‘yun na lang talaga ang kulang,” pag-amin ni Derek.

Nasa Spain sina Ellen at Derek para sa kanilang bakasyon at doon nila nalamang buntis nga ang una, pero napalitan ng lungkot ang sayang nadarama dahil biglang nagkaroon ng spotting ang wifey ng aktor.

“So she’s pregnant…she’s not pregnant. ‘Di masabi ng doktor na hindi pa talaga siya malalaglag, you know. So, ang daming tanong na hindi masagot,” saad pa ng leading man ni Beauty Gonzalez sa “Kampon.”

Kuwento pa ni Derek, “Paglapag namin galing Spain, diretso na kami sa hospital, ultrasound.

“So, it’s super, super rollercoaster of emotions. But priority is, Ellen is okay. She’s safe, and ‘yun. Good thing is, at least now, we know that we can still have a baby,” aniya pa.

May takot si Derek na baka baog siya kahit pa may anak na siya, si Austin (mula sa dating karelasyon) kaya hindi totoong wala siyang kakayahang magkaanak at gayun din si Ellen na may anak na rin.

Kaya ang wish ni Derek for 2024 ay sana matuloy na ang pagbubuntis ng asawa para matapat sa Year of the Dragon.

Derek Ramsay bet magkarooon ng baby girl

At kung baby boy ang gusto niyang maging anak nila ni Ellen ngayon daw ay girl na ang wish ng aktor matapos makasama ang child actress na si Erin Espiritu sa “Kampon.”

“I’ve always loved kids. I always know that I will want kids, that’s why I’m very, very close with Elias.

“I always say na I want another boy with Ellen, but everybody’s wishing for a girl para sa amin but spending time with Erin I’m leaning more towards now on having a baby girl pero kawawa because I will be really protective that’s for sure.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Will I be the same kind of father? I don’t know how to answer that but l’ll be the best father I can be,” aniya.

Mapapanood na ang “Kampon” sa December 25 nationwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending