Christian: 'Si Jennica hindi mahirap magustuhan, napakabuti at totoong tao' | Bandera

Christian: ‘Si Jennica hindi mahirap magustuhan, napakabuti at totoong tao’

Ervin Santiago |December 19,2023
facebook
share this

Christian: ‘Si Jennica hindi mahirap magustuhan, napakabuti at totoong tao’

Ervin Santiago - December 19, 2023 - 12:40 AM

Christian: 'Si Jennica hindi mahirap magustuhan, napakabuti at totoong tao'

Jennica Garcia at Christian Bables

GOOD news para sa lahat ng mga fans and supporters ng Kapamilya stars na sina Christian Bables at Jennica Garcia!

Kinumpirma ni Christian na tuloy na tuloy na ang reunion project nila ni Jennica pagkatapos ng matagumpay nilang teleserye na “Dirty Linen” na pinagbidahan nina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo.

In fairness, talaga namang bumenta nang bonggang-bongga ang “tambalan” ng dalawa sa “Dirty Linen” kaya naman marami ang nagsi-ship sa kanila na sana’y sila na lang ang magkatuluyan sa tunay na buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Christian Bables (@christiaaan06)


“Basta mayroon kayong aabangan sa amin ni Jennica. Hopefully unang quarter ng 2024,” ang pahayag ni Christian sa mediacon ng kanilang Metro Manila Film Festival 2023 entry na “Broken Hearts Trip.”

Sey pa ng award-winning actor, isa si Jennica sa mga artistang napakadali at napakagaang katrabaho dahil bukod sa napakagaling nitong aktres ay nakapakabait at super professional pa.

Baka Bet Mo: Jennica Garcia na-‘ghost’, bigla raw nilayuan noon ni Christian Bables, anyare?!

“We’re going strong as friends. We’re very good friends. We’d like to keep it that way.

“Kung bibigyan ako ng pagkakataon ni God, somehow gusto ko sana na kagaya ni Jennica. But not necessarily Jennica. Kasi ayaw naming masira ang friendship. Parang mas magiging panghabang-buhay kami kung magiging friends lang,” pag-amin ng binata.

Sabi pa ni Christian, “Si Jennica, hindi mahirap magustuhan kasi napakabuting tao, napakatotoong tao.”

Samantala, naibahagi rin ni Christian na pangarap din niyang maging tatay in the future dahil mahilig din siya sa mga bata at kung siya ang tatanungin, nais na rin daw niyang magkaroon ng sariling pamilya.

“I have so much love to give. Actually gusto ko nang magkaanak. Kung bibigyan ng pagkakataon, gusto ko na magkaroon ng pamilya. Ayaw ko naman pilitin. Kapag ibinigay sa akin, go.

“I’m starting to build my future for my future family. ‘Yung bahay na pinapatayo ko para sa Nanay at mga kapatid ko. Gusto ko kasi magkakasama kami.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Christian Bables (@christiaaan06)


“Pero kung bibigyan ng pagkakataon ni God, malay mo ‘yung katabi or ‘yung malapit du’n (na lupa) para naman sa future family.

Baka Bet Mo: Christian Bables imposibleng ma-in love sa bading: My preference ay hindi po same sex…

“Baka 2025 pa matatapos  900 square meters, three floors. Dream house talaga,” aniya pa.

Naging maswerte kay Christian ang 2023 dahil sa dami ng natanggap niyang blessings at patuloy pa ring natatanggap, kabilang na nga riyan ang MMFF entry nilang “Broken Hearts Trip”.

“I’m glad and very thankful. Grateful ako. Grabe hindi ko matatawaran ‘yung blessings na binigay sa akin ngayong taon,” aniya.

Showing na ang “Broken Hearts Trip” sa December 25, directed by Lemuel Lorca and produced by Benjie Cabrera, Omar Tolentino, Power Up Workpool Inc., BMC Films, at Smart Films.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa movie sina Iyah Mina, Petite, Andoy Ranay, Teejay Marquez, Jay Gonzaga, Jaclyn Jose at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending