Bagyong Kabayan posibleng tumama sa bahagi ng Mindanao

Bagyong Kabayan posibleng tumama sa bahagi ng Mindanao, signal #1 itinaas na

Pauline del Rosario - December 17, 2023 - 01:01 PM

Bagyong Kabayan posibleng tumama sa bahagi ng Mindanao, signal #1 itinaas na

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

PINAGHAHANDA na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente sa Visayas, lalo na sa Mindanao.

Ito ay dahil binabantayan nilang Bagyong Kabayan sa ating bansa.

“Kahapon (Dec. 16) ng umaga pumasok ang Low Pressure sa ating PAR (Philippine Area of Responsibility)…then kaninang madaling araw ay ganap nang naging isang bagyo,” sey ni Weather Forecaster Chris Perez sa online press briefing ngayong December 17.

Huling namataan ang bagyo sa layong 440 kilometers silangan ng Davao City, Davao del Sur.

Taglay nito ang lakas na hanging 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Nagbabala rin ang PAGASA na patuloy na lalapit sa kalupaan ang bagyo kaya itinaas na nila sa Tropical Cyclone Wind Signal #1 ang ilan sa mga lugar sa Visayas at Mindanao.

Baka Bet Mo: Jam Magno sa kanyang viral mug shot: I smiled because I am not guilty

Narito listahan na ibinandera ng weather bureau:

VISAYAS

  • Southern portion of Samar – Basey, Santa Rita, Marabut, Talalora, Villareal, Pinabacdao)
  • Southern portion of Eastern Samar  – Maydolong, City of Borongan, Quinapondan, Guiuan, Lawaan, Balangiga, Llorente, Giporlos, Salcedo, Balangkayan, General Macarthur, Hernani, Mercedes
  • Leyte
  • Southern Leyte
  • Bohol
  • Camotes Islands

MINDANAO

  • Dinagat Islands
  • Surigao del Norte
  • Surigao del Sur
  • Agusan del Norte
  • Agusan del Sur
  • Northern portion of Davao Oriental – Cateel, Boston, Baganga
  • Northern portion of Davao de Oro – Monkayo, Laak
  •  Misamis Oriental
  • Camiguin
  • Northern portion of Bukidnon – Impasug-Ong, Malitbog, Manolo Fortich, Sumilao, Libona, Baungon, Cabanglasan, City of Malaybalay

 

Baka Bet Mo: Ilang lugar sa NCR, Cavite mawawalan ng tubig sa Dec. 11 to 19 – Maynilad

Paliwanag ni Perez, “Kapag sinabi nating signal number one, ‘yun nga, bukod sa lakas ng hangin na 39 to 61 kilometers per hour na posibleng maramdaman sa lugar, may inaasahan din tayong pag-ulan na dala nitong si Bagyong Kabayan.”

“So ‘yung lakas ng hangin, maaaring minimal o halos walang damage, lalong-lalo na ‘yung lugar niyo, mga bahay sa lugar niyo na yari sa concrete o modern day structure. Subalit hindi pa rin po ito reason upang maging kampante tayo. Dapat maging alerto pa rin tayo sa paparating na bagyong si Kabayan,” mensahe pa niya sa publiko.

Sambit pa ng weather forecaster, “Inaasahan nating landfall sa pagitan ng mamayang gabi hanggang bukas ng madaling araw ay pwede dito sa Surigao del Sur and Davao Oriental area.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nabanggit din niya na posibleng lumabas ng ating bansa ang bagyong Kabayan sa darating na Miyerkules, December 20, bago ang Pasko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending