Annabelle Rama may patutsada kay ‘Devil Woman’: Makamandag, BEST LIAR!
NAGPATUTSADA muli ang talent manager at nanay ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama sa isang taong tinawag niyang “devil woman.”
Sa kanyang Instagram at Facebook account, may nakakalokang post na naman si Tita Annabelle na pinaniniwalaang may kinalaman sa umano’y hiwalayan nina Richard at Sarah Lahbati.
Ayon sa matapang at palabang asawa ng veteran actor na si Eddie Gutierrez, may napanood siyang Hollywood movie kung saan may isang karakter na makamandag at napakasinungaling.
View this post on Instagram
Ang tinutukoy niya ay ang pelikulang “Gone Girl” na pinagbibidahan nina Ben Affleck at Rosamund Pike na tungkol sa isang misis na pineke ang kanyang murder para mapagbintangan ang kanyang mister na siyang nasa likod ng krimen.
Ang pasabog ni Annabelle, “Devil Woman, makamandag, manipulative, BEST LIAR.
“Please watch Gone Girl sa netflix, makita nyo ang leading lady ni Ben Affleck. I watched it 3 times. Hulaan nyo kung sino ang tinutukoy kung babae na DEVIL WOMAN,” aniya pa.
Baka Bet Mo: ‘New look’ ni Annabelle Rama, aprub sa mga netizens: ‘Mas bumata ka po’
Nauna rito, tila may paring din ang tatay ni Sarah laban sa isang taong hindi rin nito pinangalanan na mukhang may kaugnayan din sa umano’y breakup ng anak at ni Richard.
Post ni Abdel Lahbati, “Enjoying every moment with family. The convoy keeps going and don’t mind dogs barking (flexed biceps emoji).”
Mismong si Tita Annabelle ang nagsabing may pinagdaraanan ang mag-asawang Richard at Sarah kasabay ng pasaring na habang kayod nang kayod ang anak ay nagwawaldas naman daw ng pera ang misis nito.
Sa isa pang Facebook post ng ina ni Richard ay may patikim din ito about the reported breakup of Richard and Sarah at ipinagdiinang fake news daw ang balitang siya ang dahilan kung bakit nagkalabuan ang celebrity couple.
“Mga Chismosang Marites!!
“Tigilan nyo na ang gumawa ng maling kwento. Lahat ng lumabas sa sosyal media is all fake news. Wag nyo ng dagdagan ang mga maling balita malalaman nyo rin ang katotohanan in due time.
“Baka ma shock kayo at hindi na ako ang lalabas na kontrabida. Malalaman niyo kung sino ang walang hiya na kontrabida. Mali ang bentang nyo sa akin.
View this post on Instagram
“Sino ba ang may gustong mag hiwalay sila. Ako ba? Or ang mag ina. Wag nyong idiin sa akin ang nangyayari ngayon. Ako ang walang alam sa nangyari ang bilis.
Baka Bet Mo: Annabelle Rama ipinagtanggol si Jinkee laban sa reporter na ‘mapanira at mukhang pera
“Nagulat nalang ako biglang dumating ang nanay at tatay galing ibang bansa. Doon na nag umpisa ang malaking gulo. Wag nyo ibagsak sa akin ang sisi.
“Kung hindi ako pinag bawalan ng lawyer na magsalita. Mag enjoy sana ang buong mundo sa sasabihin kung kwento. Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan sa pangyayari pero wala akong magawa. Abangan ang susunod na kabanata.
“Basta ako ayaw ko silang mag hiwalay . Dahil mahal ko ang mga apo ko,” lahad pa ni Annabelle Rama.
Samantala, sa isang event ay umiwas si Sarah na sagutin ang mga tanong na may kinalaman sa kanyang personal na buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.