Felip, Jose Mari Chan makiki-join sa Christmas concert ng Aegis
NABANGGIT na namin sa mga naunang article na makakasama ng iconic rock band na Aegis ang tinaguriang “Father of Philippine Christmas Music” na si Jose Mari Chan sa kanilang upcoming Christmas concert.
Pero mukhang lalong naging exciting ang pagtatanghal nila dahil nabalitaan namin na makiki-join na rin sa kanila ang P-Pop soloist na si Felip o mas kilala bilang “Ken” ng SB19.
Ang kaabang-abang na “AEGIS: The Christmas Bonus Concert” ay magaganap sa Theatre At Solaire sa Paranaque City sa December 20, 8:00 p.m. onwards.
Isa rin sa special guests sa concert ay ang 15-piece orchestra na The Manila String Machine.
Baka Bet Mo: Aegis chinika paano alagaan ang boses: ‘Mina-microwave ang ice cream!’
View this post on Instagram
Kung maaalala noong Nobyembre lamang, nagkaroon ng exclusive press conference ang Aegis.
Naitanong sa kanila ng entertainment press kung sino ang nais nilang sumunod sa kanilang yapak bilang iconic figures ng OPM.
Ilan sa mga nabanggit nila ay ang Pinoy pop sensation na SB19.
“‘Yun talaga sila [SB19]…’yung grupo na ‘yun talagang parang, grabe, grabe sila. Mas sikat pa talaga ‘diba,” sambit ni Juliet at bigla pang sumayaw ng hit song ng nabanggit na grupo na “Gento.”
Bukod sa Pinoy pop group, kinagigiliwan din ng iconic rock band ang Ben&Ben, pati na rin ang baguhang singer na si Kahel na anak ng isa sa Aegis member na si Rey Abenoja.
‘Yung anak ni Kuya Rey, nag-uumpisa pa lang na si Kahel. Suportahan po ninyo,” anila.
Samantala, mabibili ang tickets ng nasabing Christmas concert via Ticketworld outlets nationwide at official website.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.