Isko 2 members ng 'That's Entertainment' ang naging dyowa

Isko 2 members ng ‘That’s Entertainment’ ang naging dyowa, sino kaya sila?

Ervin Santiago |December 04,2023
facebook
share this

Isko 2 members ng ‘That’s Entertainment’ ang naging dyowa, sino kaya sila?

Ervin Santiago - December 04, 2023 - 12:10 AM

Isko 2 members ng 'That's Entertainment' ang naging dyowa, sino kaya sila?

Isko Moreno

FOR the first time ay ibinandera ni former Manila Mayor Isko Moreno na may mga naging dyowa siya sa mga dating members ng 80’s youth oriented show na “That’s Entertainment.”

Yes, “mga dyowa” dahil inamin ni Yorme na dalawang kasamahan niya noon sa programa ng yumaong iconic TV host-comedian na si German Moreno ang naging karelasyon niya.

Special guest ang isa sa mga “Eat Bulaga” host sa nakaraang episode ng “The Boobay and Tekla Show” ng GMA 7 kung saan sumabak si Isko sa segment na “Guilty or Not Guilty.”

Dito nga napaamin nina Super Tekla at Boobay ang dating public servant tungkol sa kanyang lovelife noong batambata pa siya.

Baka Bet Mo: Bakit kayo defensive? Baka guilty? Tanong ni De Lima sa Palasyo ukol sa hakbang ng ICC sa ‘war on drugs’

“Nagkaroon ng girlfriend na member din ng ‘That’s Entertainment’, guilty or not guilty?” ang tanong ng “TBATS” hosts kay Yorme.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isko Moreno (@iskomorenodomagoso)


“Guilty” ang sagot ng dating alkalde na ibig sabihin ay nagkaroon siya ng girlfriend na member din noon ng “That’s Entertainment.”

Baka Bet Mo: Karen kampi kay Isko: Sana lang wala nang ganitong pang-iinsulto porke kalaban sa 2022!?

Ayon kay Yorme, dalawang kasamahan niya sa “That’s” ang naging karelasyon  niya pero hindi na niya pinangalanan ang mga ito. Ayaw din niyang magbigay ng clue tungkol sa mga ito.

“Hindi na, tahimik na buhay nila,” ang tawa nang tawang chika ni Yorme.

Rebelasyon pa ng TV host-actor, 18-years old daw siya nang unang magkadyowa at marami-rami rin ang kanyang naging girlfriend noon at karamihan daw ay hindi taga-showbiz.

Naniniwala si Isko na kumplikado talaga ang pagkakaroon ng showbiz girlfriend dahil, “You’re both living in microscopic world.”

Samantala, hindi rin nagsisisi si Isko na pumayag siyang mag-underwear lang sa isang project na ginawa niya ilang taon na ang nakararaan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ginamit pa nga ito ng mga nakalaban noon niya sa politika ngunit sa kabila ng pagpapakalat ng mga litrato niya sa social media nang naka-briefs lang, nanalo pa rin siya bilang mayor ng Maynila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending