Pia sa pagkatalo ni Michelle sa Miss Universe 2023: ‘Walang magmu-move on’
NAGLABAS muli ng saloobin si Pia Wurtzbach tungkol sa pagkatalo ni Michelle Dee sa Miss Universe 2023 pageant na ginanap sa El Salvador.
In fairness, isa si Pia sa mga celebrities na consistent ang pagbibigay ng suporta sa naging journey ni Michelle sa Miss Universe pageant na umabot lamang hanggang sa Top 10 finalists.
Kahit pa nga hindi na umabot sa Top 5 ang Kapuso actress, tuloy-tuloy pa rin ang pagpo-post ni Pia sa social media ng kanyang mga reactions sa naganap na international beauty pageant.
“I’m a fan of her journey ‘cause I saw first-hand how dedicated she is. People see her performance on stage and what she’s posting online,” ang bahagi ng pahayag ni Miss Universe 2015 sa panayam ng ABS-CBN.
“But what people don’t see is the months and years of preparations before that. And that’s what I really appreciate in a Miss Philippines, in a candidate” dugtong pa ng aktres at TV host.
Knows daw ni Pia kung gaano katindi at kahirap ang ginagawa ng isang kandidata para lamang ilaban ang Pilipinas sa Miss Universe at iba pang pageants.
“Pinag-isipan niya lahat, ‘yung susuutin niya, ‘yung strategy, ‘yung social media, ‘yung advocacy niya. And I think people see that, and they appreciate that,” sey pa ng wifey ni Jeremy Jauncey.
View this post on Instagram
Hanggang ngayon ay bilib na bilib pa rin si Pia sa nakikitang pagsuporta at pagmamahal ng mga Pinoy kay Michelle bilang bet ng Pilipinas sa Miss U.
Baka Bet Mo: Michelle Dee sinisi sa pagkatalo sa Miss U: Wala siyang kusa!
“Ako rin eh, pare-pareho tayong hindi pa maka-move on. But you know, the thing about these lessons is that it gives you, it makes you think. Ano ba ang ibig sabihin ng winner? What is a winner really?
“Does she have to come home with a crown for us to celebrate her and for us to say that we won? The mere fact that she worked on that stage with the gown that was inspired by Whang-Od, doesn’t that make you proud?” pagmamalaki pa ni Pia kay Michelle.
Isa pa sa pinuri ni Pia kay Michelle ay ang tapang nito na huwag sundin ang “Miss U candidate prototype”, “She didn’t go for the long hair kinda look, she has this very Pinay look. Doesn’t that make you feel represented?”
At ang hugot nga ni Pia para sa lahat ng pageant fans na nagsasabing winner na winner pa rin si Michelle kahit hindi niya naiuwi ang titulo at korona, “Walang magmu-move on, kasi marami pang opportunity at marami pang gagawin si Michelle sa career niya.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.