Darryl Yap sinisi ang Darna costume sa pagkatalo ni Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022, may nakakalokang payo sa mga beauty queen | Bandera

Darryl Yap sinisi ang Darna costume sa pagkatalo ni Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022, may nakakalokang payo sa mga beauty queen

Ervin Santiago |January 16,2023
facebook
share this

Darryl Yap sinisi ang Darna costume sa pagkatalo ni Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022, may nakakalokang payo sa mga beauty queen

Ervin Santiago - January 16, 2023 - 09:25 AM

Darryl Yap sinisi ang Darna costume sa pagkatalo ni Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022, may payo sa mga beauty queen

Darryl Yap at Celeste Cortesi

BUKOD sa isinuot niyang gown sa preliminary competition ng katatapos lamang na Miss Universe 2022, isa pa sa sinisisi ng mga netizens sa pagkatalo ni Celeste Cortesi ay ang kanyang Darna costume.

Reaksyon ng ilang pageant fans, baka raw may dalang kamalasan ang pagsusuot niya ng costume ng iconic Pinay superhero kaya kahit sa Top 16 ay hindi siya nakapasok.

At mukhang sang-ayon din diyan ang controversial director na si Darryl Yap na agad nag-post sa kanyang Facebook account matapos malaglag ang bet ng Pilipinas sa 71st edition ng Miss Universe pageant.

Sabi ni Direk Darryl, mukhang nagdulot nga raw ng jinx o kamalasan ang pagda-Darna ng ating Miss Universe Philippines 2022.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miss Universe Philippines (@themissuniverseph)


Mababasa sa kanyang Facebook post, “Ako na ang magsasabi, nakamalas yung Darna.”

Dagdag pa niyang hirit sa kanyang mga bet na kandidata, “Puerto Rico, Curacao at sige na nga Laos tutal 48hrs daw ang byahe.”

May hugot pa siya tungkol sa pinag-uusapang pagkasira ng winning streak ng Pilipinas sa mundo ng beauty pageant, na nangyari sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

“At lahat ng ito ay kasalanan ni Bongbong Marcos at Golden Era pa more.

“Ok, kakampinks balik na tayo sa pag-iisip kung anong sunod na Agri product ang pamamahalin,” ang nakalagay pa sa FB post ni Direk Darryl.

May dagdag pang hirit na suggestion ang direktor sa mga Pinay beauty queen na sasabak sa mga pageant na may national costume round.

“Alam ko namang walang hihingi ng suggestion ko, pero sana sa susunod na national costume, JOLLIBEE naman.

“BAKIT? mas kilala yan ng mga foreigners!” sabi pa ni Darryl Yap.

Samantala, may mga nabasa naman kaming post sa social media na nagsabing ang nagpatalo raw kay Celeste ay ang pink swimsuit na kanyang inirampa sa swimsuit competition.

Habang sinusulat namin ang artikulong ito ay wala pang reaksiyon ang pamilya ni Mars Ravelo hinggil sa isyu. Bukas ang BANDERA sa kanilang magiging pahayag pati na ng ABS-CBN kung saan napapanood ang “Darna.”

Jane de Leon biglang naiyak nang isuot na ang Darna costume: Parang doon lang nag-sink in sa akin na this is it!

Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi nahihiyang umamin noon na nagtrabaho bilang cashier, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

32 kandidata rumampa sa National Costume presentation ng Miss U PH 2022; sinu-sino ang nag-shine nang bonggang-bongga?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending