Jane de Leon biglang naiyak nang isuot na ang Darna costume: Parang doon lang nag-sink in sa akin na this is it! | Bandera

Jane de Leon biglang naiyak nang isuot na ang Darna costume: Parang doon lang nag-sink in sa akin na this is it!

Ervin Santiago |May 22,2022
facebook
share this

Jane de Leon biglang naiyak nang isuot na ang Darna costume: Parang doon lang nag-sink in sa akin na this is it!

Ervin Santiago - May 22, 2022 - 07:37 AM

Jane de Leon

NAPAIYAK nang bonggang-bongga ang Kapamilya actress na si Jane de Leon nang finally ay maisuot na niya ang kanyang costume bilang bagong Darna.

Naging emosyonal ang aktres nang sa wakas ay ibinalita sa kanya na tuloy na ang paglipad niya bilang bagong Darna na mapapanood na very soon sa ABS-CBN.

Ibinalita ni Jane sa panayam ng ilang members ng entertainment media na naganap ang kanyang costume fitting last year matapos ibandera ng production na siya na ang magbibida sa “Mars Ravelo’s Darna: The TV series.”

“Nag-fitting na po ako and nasuot ko na rin po ‘yung costume, surprise po ‘yan!

“‘Yung headdress pagkasuot po sa akin, mangiyak-ngiyak na po talaga ako, umiyak po talaga ako. After ilang years, 2019 po kasi ako in-announce and nasukat ko ‘yung costume last year.

“Parang doon lang po talaga sa akin nag-sink in na, this is it,” pahayag ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


Sa nasabi ring panayam, naibahagi rin ni Jane kung ano ang payo sa kanya ng dating “Darna” na si Angel Locsin.

“Lahat naman po, actually, tumatak po talaga, siyempre, Ms. Angel. May mga ibinigay naman siya sa aking mga tips, siyempre kailangan ko talagang maging handa physically and ready dapat ako anytime.

“Sabi niya sa akin kapag pagod ako, sabihin ko lang daw talaga na I need to take a rest,” pahayag ni Jane.

Sa direksyon ni Chito Roño kasama si Avel Sunpongco, ang “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” ay mapapanood na sa ABS-CBN very soon.

Balitang ito ang nakatakdang kapalit kapag nagtapos na ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin na anim na taon nang umeere sa Kapamilya network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin sa bagong TV version ng “Darna” sina Iza Calzado bilang nanay ni Narna at ang original Darna, Janella Salvador bilang taong-ahas na si Valentina, Zaijian Jaranilla bilang kapatid ni Narda na si Ding, at Joshua Garcia bilang pulis na makakatrabaho ni Narna.

Jane lilipad na bilang Darna, aalis na sa ‘Probinsyano’; Bela walang isyu kina Neil at Angel

Jane de Leon pinayuhan ni Angel Locsin: Ready dapat ako anytime!

Dawn Chang idinamay ng netizens sa pagkatsugi ni Kiko Estrada sa ‘Darna’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending