‘Yes or No?’ Pwede bang kasuhan ng rape ang iyong asawa?
HABANG nananatili pa rin itong katanungan para sa karamihan, diretsahang sinagot ng “CIA with BA” kung maaari bang kasuhan ng rape ang asawa, kahit pa kayo ay kasal.
Ang tanong na ito ay nanggaling sa isa sa mga miyembro ng “Mariteam” sa segment na “Yes or No” sa episode nitong Linggo, November 26.
“Pwede po bang kasuhan ng rape ang asawa? Yes or No?” tanong ni Queen Manilyn.
“The answer is ‘yes,’” sagot ni Sen. Pia Cayetano.
“Konting background, medyo bago itong batas na ‘to — bago in a sense na noong nag-aaral pa lang ako ng law, hindi pa ‘yan batas,” pagbabahagi niya.
“(But like) I said, nag-e-evolve tayo, nagma-mature ang society so naging understood ‘yon na kasama sa karapatan ng babae ‘yung katawan naman niya.
Baka Bet Mo: Payo ni Bea Alonzo sa lahat ng may pinagdaraanan: Just have faith!
“Hindi naman porke’t nag-asawa tayo, na mahal na mahal mo ‘yung asawa mo, nagmamahalan kayo, kung kailan lang niya gusto, siya ang magde-decide? ‘Di ba? So talagang rape pa rin kahit mag-asawa, ‘pag pinilit,” paliwanag ni Pia.
“So in a loving relationship, dapat mutual,” dugtong ng senadora.
Sinuportahan naman ito ng kapatid niyang si Alan Peter Cayetano sa paliwanag na may spiritual context.
“Maraming nagku-quote sa Bible na kapag mag-asawa kayo, ‘do not deny your body to the other.’ That’s directed to both of you. So ibig sabihin, hindi inaalis ng Bible na may personal choice at consent ka,” sabi niya. “So ‘pag pinilit mo, rape pa rin ‘yon.”
Nasa ikaapat na season na ang “CIA with BA” mula noong umere ito noong February 5, 2023.
Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Sen. Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador.
Si Sen. Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang “Compañero y Compañera” noong 1997 hanggang 2001.
Huwag palampasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.