'CIA with BA' tuloy pa rin ang serbisyo-publiko sa bagong season

‘CIA with BA’ tuloy pa rin ang serbisyo-publiko sa bagong season

Ervin Santiago |November 22,2023
facebook
share this

‘CIA with BA’ tuloy pa rin ang serbisyo-publiko sa bagong season

Ervin Santiago - November 22, 2023 - 07:50 PM

'CIA with BA' tuloy pa rin ang serbisyo-publiko sa bagong season

Boy Abunda, Pia at Alan Peter Cayetano

SA bago nitong season, nangako ang “CIA with BA” hosted by Sen. Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano at Boy Abunda, na patuloy nitong pagsisilbihan ang publiko.

Nitong Linggo, November 19, nagbalik-tanaw ang programa sa mga episode nito sa nagdaang tatlong season, na nagpapakitang mahigit 100 kaso na ang naidulog at nabigyang-solusyon.

Karamihan dito ay dulot ng ‘di pagkakaunawaan, pagharang sa pangarap, at kawalan ng mga pinaghirapan at pinagtrabahuhan.

Iba’t ibang indibidwal, mag-asawa, magkakarelasyon, pamilya, magkakaibigan, at magkakapitbahay na rin ang nabigyan ng legal na payo ng programa sa pamamagitan nina Sen. Alan at Sen. Pia.

Baka Bet Mo: Boy Abunda, Alan Peter Cayetano ramdam na ramdam ang bigat ng kalooban ng mga nagrereklamo sa ‘CIA with BA’

“Pero higit sa mga payong legal na ibinahagi nina Kuya Alan at Ate Pia, nawa’y natuto rin tayong magpakumbaba, magpasalamat, magpatawad at pahalagahan ang ugnayan natin sa ating pamilya, kaibigan at maging sa ating mga kapitbahay,” saad ng programa.

“Sa patuloy nating pag-aksyon, makakaasa kayong patuloy rin ang pagtulong at pagbibigay ng kaalaman nina Kuya Alan, Ate Pia, at Tito Boy,” dagdag pa nito.

Sa bago nitong season, sinisiguro ng “CIA with BA” sa viewers ang mga bagong kasong sosolusyonan, mga mahahalagang payo para sa naghahanap ng kalinawan, mga bagong kaalamang legal, at mga bagong pasasalamatan. Patuloy din ang pagbibigay saya sa ating mga kababayan.

Nasa ikaapat na season na ang “CIA with BA” mula noong umere ito noong Pebrero 5, 2023.

Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senm Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Sen. Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang “Compañero y Compañera” noong 1997 hanggang 2001.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending