Kimson Tan pasadong maging oppa; nagagamit ang mga natutunan sa basketball sa pagiging artista
LAHAT ng mga natutunan ng Kapuso matinee idol na si Kimson Tan sa pagba-basketball noon ay nagagamit niya ngayon sa pag-aartista.
Mahilig kasing maglaro ng basketball si Kimson noong nasa high school pa lang siya kasama ang kanyang mga kaklase at kaibigan at nagtuluy-tuloy pa ito hanggang college.
Ayon sa binata, na papasa bilang oppa dahil sa kanyang South Korean awra, marami siyang natutunan sa basketball na nagagamit niya ngayon bilang isang aktor.
Partikular na binanggit ng binata ang disiplina at time management.
“Being a student athlete, kailangan mo i-balance ‘yung acads and basketball that time,” sabi ni Kimson sa panayam ng morning show na “Early Edition” sa GMA Regional TV.
Baka Bet Mo: Migs Villasis lumaki sa tropa ng Buble Gang; Kimson Tan gustong maging action star
“I always make sure na I come early sa call time, 30 minutes sa call time para ‘di ma-late.
View this post on Instagram
“Kumbaga ‘yun ang ‘yung mabibigay ko sa tiwala na binibigay sa akin ng network, ‘yung disiplina ko sa trabaho, ‘yung work ethic ko pagdating sa work ko,” dagdag pa ni Kimson na isa sa cast members ng latest primetime series ng GMA na “Lovers/Liars”.
Baka Bet Mo: Mike Tan naging ‘selfless’ mula nang maging ama: It’s no longer just about me…
Natanong din ang aktor kung sino sa mga Kapuso actress ang gusto niyang maging leading lady kapag nabigyan ng chance na makapagbida sa sarili niyang serye o pelikula.
“Anyone na ibigay ng network sa’kin, ibibigay ko rin ‘yung best ko.
“Gusto ko rin maka-work ‘yung iba’t ibang mga actress po natin dito dahil lahat naman po may angking galing sa pag-arte,” sambit pa ni Kimson.
At tungkol naman sa usapin ng lovelife, “Right now po focus talaga ako sa work kasi ‘yung tiwala na binibigay ng network sa akin, sobrang laki so gusto ko pong mabigay ‘yung best ko.
“Gusto ko pong mag-focus muna sa mga project na gagawin ko pa. Sobrang focus ko lang ngayon sa work talaga,” aniya.
Samantala, bukod sa sitcom na “Open 24/7” na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Maja Salvador at sa drama series na “Lovers/Liars” starring Claudine Barretto, bibida rin si Kimson sa Singaporean film na “King of Hawkers.”
Ang kuwento nito ay iikot sa mundo ng mga hakwers o street food stall vendors sa Singapore.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.