Migs Villasis lumaki sa tropa ng Buble Gang; Kimson Tan gustong maging action star | Bandera

Migs Villasis lumaki sa tropa ng Buble Gang; Kimson Tan gustong maging action star

Ervin Santiago |October 31,2021
facebook
share this

Migs Villasis lumaki sa tropa ng Buble Gang; Kimson Tan gustong maging action star

Ervin Santiago - October 31, 2021 - 08:37 AM

Migs Villasis at Kimson Tan

MINSAN nang pinangarap ng newest Kapuso star na si Kimson Tan ang maging lead sa isang romantic comedy pero nagbago ang kanyang hangarin matapos mag-guest sa award-winning magical anthology ng GMA 7 na “Daig Kayo Ng Lola Ko.”

Chika ni Kimson, “Before, gusto ko talaga romcom pero nu’ng nag-first guesting ako sa GMA, my first show was Daig Kayo Ng Lola Ko and my role there was a policeman, parang na-enjoy ko mag-action.

“Nagustuhan ko talaga ‘yung fight scenes and feeling ko, ang nilu-look forward kong role is something sa action,” kuwento ng binata.

Hindi naman maitatanggi na labis ang pasasalamat ni Kimson na nabigyan siya ng pagkakataon na maging parte ng GMA Artist Center na nagbukas ng pinto para makapasok siya sa showbiz.

“Very blessed ako. It’s a once in a lifetime opportunity. Thankful ako sobra sa GMA, sa GMA Artist Center, to my managers, sa handler ko na talagang nagbibigay ng atensyon sa aming lahat para magkaroon ng trabaho and everything, so I’m really thankful to them talaga,” mensahe pa ni Kimson.

* * *

Ibinahagi naman ng isa pang newest Kapuso star na si Migs Villasis na isa sa mga pangarap niya ay ang mapabilang sa longest-running at award-winning comedy show ng GMA Network na “Bubble Gang.”

Aniya, isa sa mga iniidolo niya talaga sa showbiz ay ang comedy genius na si Michael V, “Gusto ko magkaroon ng role sa Bubble Gang. Kasi bata pa lang ako, sobrang fan na ako nina Bitoy. 

“Every Friday talagang inaabangan ko ang Bubble Gang. Naging part na siya ng kabataan ko, naging part na siya ng buhay ko,” pahayag ni Migs.

Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala ang baguhang aktor sa tindi ng suporta at tiwala na ibinibigay sa kanya ng GMA gayong kakapasok niya pa lamang sa network

“‘Di ko po talaga in-expect ‘yung ibinibigay nila sa aking tiwala ngayon. ‘Yung projects na binibigay nila. Grabe. Sobrang saya. 

“Sobrang sarap sa feeling na kakapasok ko pa lang sa GMA pero grabe ‘yung support na binibigay nila. Ramdam na ramdam ko po ‘yung pagiging Kapuso,” chika pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kabilang si Migs sa mga bagong artistang pumirma ng kontrata sa ilalim ng GMA Artist Center sa naganap na Signed for Stardom event kamakailan.

Tropa ng ‘Bubble Gang’ na-starstruck kay Bea: Grabe, ang galing-galing niya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending