Roderick hindi takot sa pagtatapat ng ‘In His Mother’s Eyes’ at ‘Shake, Rattle & Roll’ sa takilya: ‘Umiyak muna kayo, tapos takutin n’yo yung sarili n’yo’
AMINADO ang premyadong aktor at movie icon na si Roderick Paulate na nalungkot siya nang hindi nakapasok sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikulang “In His Mother’s Eyes.”
Kasama niya sa movie ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano at ang Kapamilya actor-singer na si LA Santos.
At dahil hindi nga napili ang “In His Mother’s Eyes” sa MMFF 2023 mula sa 7K Entertainment na pag-aari ni Ms. Flor Santos, ipalalabas na ito sa mga sinehan nationwide sa darating na November 29.
“Nalungkot ako because naka-aim kasi raw talaga yung movie para sa MMFF. Kaya lang, ganu’n talaga ang buhay, e. May natatanggap, merong hindi. May nananalo, may natatalo.
View this post on Instagram
“So, ang akin sana nakapasok pero kung hindi, may ibang plano ang Diyos sa amin,” ang pahayag ni Roderick sa grand mediacon ng kanilang pelikula nitong Huwebes, November 16.
Aniya pa, “Pwedeng blessing-in-disguise, di ba, itong showing date na napili namin sa 29, e, mas makatulong at mas maraming audience.
“Ang akin lang naman, e, basta nandiyan yung tao. Sana, bumalik na sila, manood na ng mga pelikula. Hindi lang naman yung pelikula namin. Lahat ng pelikulang Pilipino, e, dapat magtulungan tayo, hanggang sa MMFF.
Baka Bet Mo: Roderick Paulate ipinagtanggol ni Cristy Fermin: Hindi po puwedeng basta na lang siya pagbibintangan ng ganyan!
“Sana, yung 10 pelikulang yun ay maging successful at panoorin lahat ng mga mamamayan.
“Kasi, bukod sa pagiging artista, hindi lang po yun ang mahal ko. Mahal ko po ang industriyang ito, mahal ko ang pelikulang Pilipino.
“E, wala pong ibang tutulong sa amin kundi kayo rin po, kaya sana ibalik ninyo ang pagmamahal nyo at suporta sa lahat ng pelikula. Kaya lang, simulan niyo po sa November 29,” ang pakiusap ni Kuya Dick.
“Nagpapasalamat nga ako kay Direk Joey Reyes. Kasi, pino-promote niya rin ito at siya yung unang nag-messenger sa akin na, ‘I like this movie, I love this movie at susuportahan ko to, panonoorin ko to.’ At binanggit na nga niya,” sabi pa ng veteran comedian.
In fairness, nag-post nga sa Facebook si Direk Joey at nanawagan na sana’y panoorin ng mga Pilipino ang “In His Mother’s Eyes” kahit na makakatapat nito sa takilya ang “Shake, Rattle & Roll Extreme.”
View this post on Instagram
Si Direk Joey kasi ang creative consultant ng Regal Entertainment na siyang producer ng horror trilogy na “Shake, Rattle & Roll Extreme” na isa rin sa mga inisnab sa MMFF 2023.
Baka Bet Mo: Iza Calzado sarap na sarap sa pagiging nanay; ‘Shake, Rattle & Roll Extreme’ mananakot bago mag-Pasko
Sa tanong kung natakot ba si Kuya Dick sa pagtatapat nila ng “Shake, Rattle & Roll Extreme”, “Hindi ako natatakot in the sense that iba kasi yung istorya namin. Horror sila, kami family story.
“So, pampamilya po ito. Kaya nga ang maisa-suggest ko sa inyo, kung gusto niyo ng kumbaga sa putahe, di ba?
“E, umiyak muna kayo, tapos para mabalik kayo sa naturalesa ninyo, takutin n’yo yung sarili ninyo! Manood naman kayo ng Shake, Rattle & Roll,” pakiusap pa ng premyadong aktor at dating TV host.
Bukod kina Maria at LA Santos, makakasama rin sa “In His Mother’s Eyes” sina Maila Gumila, Ogie Diaz, Ruby Ruiz, Elyson de Dios, Vivoree, Reign Parani, Rochelle Pangilinan, Inah Evans at Bong Gonzales, mula sa direksiyon ni FM Reyes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.