FROM frontrunner to becoming ‘beautifully unplaced’ – iyan ang El Tocuyo Award.
Sa mga hindi nakakaalam, reigning El Tocuyo queen si Melissa Flores ng Mexico.
Pero paano nga ba nagsimula ang award na ito? Bakit inaabangan ng maraming pageant fans all around the universe kung sino ang pauupuin sa tronong ito?
Narito ang knows naming kasaysayan ng nasabing award.
Si Ruth Ocumárez
Bago pa ang El Tocuyo, kilalanin muna natin si Ruth Ocumárez. Kinatawan siya ng Dominican Republic sa Miss Universe 2002.
Talagang umangat siya sa leaderboard at malaki ang naging expectation sa kanya ng pageant fans dahil sa mahusay niyang performance paglapag palang sa Puerto Rico.
Inabangan at inasahan ng bloggers noon ang pag-qualify ni Ruth sa semifinals ng 51st Miss Universe pageant.
Ngunit ikinabigla ng lahat ang hindi niya pagpasok sa first cut palang ng kompetisyon.
Kaya pinagpiyestahan ito ng pageant experts and critics at dito na nga naisilang ang coined pageant term na ‘Ruth Ocumárez Award.’
Ang award na ito ay ibinibigay sa mga kandidatang lubos na inaasahang maging finalist ngunit hindi man lang pumasok sa unang selection o elimination round sa coronation night.
Ang Alamat ni Mariam Habach
Noong 2016, halos ipatong na ng pageant fans ang korona sa tatlong kandidata bago ang coronation night dito sa Pilipinas.
Umarangkada sa pre-pageant events sina Miss Thailand Chalita Suansane, host country candidate na si Miss Philippines Maxine Medina, at Miss Venezuela Mariam Habach.
Ngunit sa finals night, tanging sina Chalita at Maxine lang ang nakapasok sa unang round ng eliminations. Nagulat ang buong universe dahil laging nasa Top 10 ng hotpicks si Mariam ngunit laglag ito sa finale.
Si Habach na mula sa El Tocuyo sa Lara, Venezuela ang naging recipient ng ‘Ruth Ocumárez Award’ noong 2016.
Pero dahil sa sigla at confident na introduction nito sa pageant noon, in-adapt at naging new brand na ang ‘El Tocuyo Award.’
Marami ang sabi-sabi na kahit naging maganda ang performance niya sa pre-pageant ay may attitude daw kasi ang kandidata kaya laglag sa selection.
Gayon pa man, kay Mariam nagsimula ang bantog at inaabangan ngayong ‘El Tocuyo Awards’ pagkatapos ianunsiyo ang mga kandidatang pasok sa first cut of eliminations.
‘Curse of Tocuyo Laser’
Taon-taon nagiging busy ang pageant fans sa pagtukoy ng hihiranging El Tocuyo awardee.
Sa katunayan, may dedicated social media accounts ang El Tocuyo Awards kung saan dito nila inaanunsiyo ang winner. Tila meron pa silang korona na ine-edit sa mga larawan ng winners.
Sa ilang edisyon, nagkaroon pa ng acceptance speech video ang ilang tinaguriang El Tocuyo queens.
Kagaya ng nabanggit, noong 2016 si Habach ang pioneer queen nito.
Sinundan ito ni Miss Mexico Denisse Franco noong 2017, Virginia Limongi Silva ng Ecuador noong 2018, at Miss Argentina Mariana Jesica Varela noong 2019.
Ikinagulat naman ng marami ang pagiging El Tocuyo awardee ni Natasha Joubert ng South Africa noong 2020.
Regional Tocuyo
Sa edisyon ng El Tocuyo awards noong 2021, lumawak ang kanilang parangal dahil na rin sa dami ng mga inaasahang kandidatang papasok sana ngunit kinulang.
Winner ng El Tocuyo 2021 si Miss Spain Sarah Loinaz. Napabalitang bumisita pa si Loinaz sa Pilipinas para kunin ang kanyang award.
Sa kanyang pagdating dito, naglibot siya sa Batangas at na-meet din niya ang ilang celebrities. Puring-puri niya ang kabaitan at pagiging gentleman ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.
Anyway, El Tocuyo ng Africa and Asia Pacific si Miss Thailand Anchilee Scott-Kemmis na pumutol ng anim na taong placement ng bansa mula 2015 hanggang 2020 habang sa Europe naman si Miss Belgium Kedist Deltour.
Itinanghal din na El Tocuyo 2021 ng North America si Miss Mexico Débora Hallal habang sa South America naman si Miss Brazil Teresa Santos na pumutol sa 10-year placement ng kanyang bansa mula 2011-2020.
Ganoon din nitong 71st edition ng Miss Universe. Dito nga itinanghal na El Tocuyo ang kinatawan ng ating bansa na si Celeste matapos maputol ang 12-year streak na pagpasok ng Pilipinas sa semifinals ng Miss Universe.
Back-to-back Asian Tocuyo ang Thailand na kinatawan ni Anna Sueangam-iam. Napunta naman ang European Tocuyo kay Miss Italy Virginia Stablum.
Ibinigay ang African Tocuyo kay Miss Nigeria Hannah Iribhogbe at Tocuyo of the Americas kay Ivana Batchelor ng Guatemala. Nagkaroon din ng runners-up ang 2022 edition na sina Miss Cambodia Manita Hang at Miss Vietnam Nguyễn Thị Ngọc Châu.
Sa batch ni Michelle Marquez Dee taong 2023, ang pambato ng Mexico na si Melissa Flores ang itinanghal na Miss Tocuyo. Ang kanyang naging court naman ay sina Brazil ng South America, Dominican Republic ng North America, Zimbabwe ng Africa, France ng Europe.
Kinilala naman nilang runners-up sina Miss Honduras at Miss Indonesia.
‘Lose with Victory’ at ‘Beautifully unplaced’
Dalawa ang tagline ng pageant fans para sa parangal na ito – ‘Lose with Victory’ at ‘Beautifully unplaced.’
Naging tradisyon na ng pageant fans ang pagpili dahil may halong sakit at lungkot ang nadarama nila dahil na rin hindi nakapasok ang kanilang inaasahan o sinusuportahang kandidata.
Ang El Tocuyo Award ay nagsisilbing palatandaan na tinik ang kandidatang ito. Nakikita ang kaniyang potensiyal na maging Miss Universe ngunit sa hindi malamang dahilan (dahil hindi naman napa-publicize ang scores) ay hindi siya nakapasok sa first-cut.
So mga ka-BANDERA, magiging abangers na rin ba kayo kung sino ang ‘El Tocuyo’ ng bawat edisyon ng Miss Universe pageant?
Read related chika:
Si Michelle Dee na ba ang next Miss Universe?
Gloria Diaz tiwalang papasok sa Top 5 ng Miss Universe 2023 si Michelle Dee