Celeste Cortesi 'nilaro' ng dyowang si Matthew Custodio, tinawag na 'Miss El Tocuyo' Bandera

Celeste Cortesi ‘nilaro’ ng dyowang si Matthew Custodio, tinawag na ‘Miss El Tocuyo’

Therese Arceo |January 25,2023
share this

Celeste Cortesi ‘nilaro’ ng dyowang si Matthew Custodio, tinawag na ‘Miss El Tocuyo’

Therese Arceo - January 25, 2023 - 08:37 PM

Celeste Cortesi 'nilaro' ng dyowang si Matthew Custodio, tinawag na 'Miss El Tocuyo'
PABIRONG tinawag ni Matthew Custodio ang dyowang si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi ng “Miss El Tocuyo”.

Mukha ngang naka-move on na sila sa naging resulta ng nagdaang 71st Miss Universe na ginanap sa New Orleans, Louisiana, USA at idinadaan na lang sa joke ang nangyari.

Matatandaang hindi pinalad na makapasok si Celeste sa semi-finals na talaga namang ikinalungkot at ikinahinayang ng maraming Filipino pageant fans.

Bukod pa rito ay na-break rin ang 12 semis streak ng Pilipinas sa Miss Universe kaya naman talagang naapektuhan ang mga Pinoy fans.

Sa kabila naman ng kanyang pagkakatalo sa prestihiyosong beauty pageant ay full support pa rin ang dyowa nito.

Sa mahabang Instagram post nga ni Celeste sa kanyang pagbabalik bansa ay makikitang nagkomento ang dyowa nito.

“OUR MISS EL TOCUYO. YOU WON ALL OUR HEARTS. you deserved the top 16 and we ALL know it!! Forever our Miss Philippines,” saad ni Matthew.

Ang “Miss El Tocuyo” ay bansag na ibinibigay ng mga pageant fans sa mga kandidatang frontrunners ngunit maagang natanggal o hindi na nakausad sa patimpalak.

Apat na flying kiss emojis naman ang naging reply ni Celeste sa kanyang boyfriend.

Marami naman sa mga netizens ang naaliw sa bardagulan ng mag-dyowa online.

“Thank you for being literally the best boyfriend. The support you have for Celeste is overflowing, wishing you both brighter days ahead together!” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “The only miss el tocuyo who will forever be loved by everyone especially you and all the Filipinos around the world!”

“@mathewcustodio love this! Btw kuya math! Thanku for always being there for our cheche Wala man kami sa new Orleans para pagaanin ang loob Ni Cc anjan ka for her! Love u both My parents stay strong!!” sabi pa ng isa.

Always proud naman ang buong BANDERA sa iyo, Celeste. Patuloy mong ibandera ang ganda ng Pilipinas!

Related Chika:
Celeste Cortesi bigong makapasok sa Top 16 ng Miss Universe 2022

Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi ginawan ng pekeng ‘retoke’ photos; ininsulto ng pageant fans sa Thailand

Celeste Cortesi humakot ng suporta mula sa mga Pinay beauty queen: ‘We are very proud of you!’

Celeste Cortesi ipinagmalaki ng dyowang Azkals player: A true, regal queen…a magical human being

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending