Jennica Garcia hindi naghahanap ng bagong pag-ibig: Sa naranasan ko, ok na kahit wala nang dumating

Jennica Garcia hindi naghahanap ng bagong pag-ibig: Sa naranasan ko, ok na kahit wala nang dumating

Therese Arceo |November 17,2023
share this

Jennica Garcia hindi naghahanap ng bagong pag-ibig: Sa naranasan ko, ok na kahit wala nang dumating

Therese Arceo - November 17, 2023 - 01:25 PM

Jennica Garcia hindi naghahanap ng bagong pag-ibig: Sa naranasan ko, ok na kahit wala nang dumating

Jean Garcia at Jennica Garcia

HINDI napigilan ni Jennica Garcia ang maging emosyonal nang mapag-usapan ang kanyang pagiging single mom.

Sa kanyang panayam kay Karen Davila kasama ang kanyang ina na si Jean Garcia ay nausisa siya tungkol sa kanilang paghihiwalay ng asawang si Alwyn Uytingco.

Pagkukuwento ni Jean, binigyan niya noon ng payo si Jennica na kung kaya pang ayusin ang kanilang samahan ay ayusin pa ito ngunit irerespeto niya pa rin kung anuman ang magiging desisyon ng anak.

Ngunit pag-amin ng aktres, wala na siyang planong ayusin pa ang relasyon nilang muli.

“Nalaman ko na hindi na ako magme-make ng effort to make it work because when we separated, I already gave my all for another year to try,” pagbabahagi ni Jennica.

Ang sinasabing “another year” ng aktres ay noong 2021 kung saan nagdesisyon silang ayusin ang kanilang pagsasama ngunit unfortunately ay hindi rin naging successful.

Baka Bet Mo: Jennica Garcia nagsimula ang healing nang maramdamang keri niyang mag-provide para sa mga anak: Kaya ko pala!

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Gusto ko rin pong ibigay kay Alwyn na noong bumalik naman siya, ok naman. Kumbaga, nakita ko naman ‘yung willingness niya. Sa totoo lang po parang ako na po ‘yung problema after noong one year,” amin ni Jennica.

Aniya, hindi naman sila nagkaroon ng away o kung anumang conflict sa loob ng isang taon pero na-realize niya na wala na talaga.

Lahad pa ni Jennica, “Hindi ko po napansin na sa one year na po palang ‘yun, parang nagmu-move on na po pala ako nang hindi ko alam.

“Kaya feeling ko po nung sinabi ko po sa kanyang ‘Pasensya ka na. Ayoko na’, nagulat rin siya kasi para sa kanya walang pinaggalingan kasi ok naman kami. Ang problema, kapag tinuloy ko pa, hindi ko makikitang enough ‘yung sarili ko.”

Sey pa ni Jennica, alam niya sa sarili niyang ibinigay niya ang kanyang 200% habang kasal sila.

Tanong naman ni Karen, hindi ba natatakot ang aktres sa kanyang pagiging single mom dahil may ilang mga taong natatakot sa ganitong sitwasyon.

Sagot ng ni Jennica, mas matatakot siya para sa mga anak kaysa para sa kanyang sarili.

“I’m afraid that… isa po kasi na nakita ko na naging effect sakin dahil lumaki po ako na wala yung Papa ko, yung parang kapagka may lalaki po na nagsabi sa akin na mahal niya ako, ’di niya ko iiwan, maniniwala po ako kaagad.

“Parang pinakakinakatakot ko lang po yung baka dahil hindi lumaki yung anak ko na kasama nila yung tatay nila, baka po pag may nagsabi sa kanila ng ganun din, baka maniwala po sila kaagad,” pagbabahagi ni Jennica.

Chika pa niya, hindi naman daw siya naghahanap ng love life dahil sa takot na pagdaanang muli ang masasakit na karanasan.

“Nagiging running joke po namin ng mga kaibigan ko yung love life pero hindi naman po talaga ako naghahanap, Ms. Karen, kasi sa naranasan ko po kasi, okay na po kahit wala na pong dumating, wag lang po ako masasaktan nang ganun po ulit,” sey ni Jennica.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jennica Garcia hindi binalak maging artista noon: Ginawa ko lang nu’ng nalaman ko ‘yung sweldo

Jennica Garcia may ‘hugot’ sa mga biglang iniwan, netizens relate much: ‘Huwag kayong mag-alala, season lang ‘yan’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending