Jean hindi na nakialam sa paghihiwalay nina Jennica at Alwyn, may pakiusap para sa mga apo: 'Gusto ko maging magkaibigan sila' | Bandera

Jean hindi na nakialam sa paghihiwalay nina Jennica at Alwyn, may pakiusap para sa mga apo: ‘Gusto ko maging magkaibigan sila’

Ervin Santiago |September 05,2023
facebook
share this

Jean hindi na nakialam sa paghihiwalay nina Jennica at Alwyn, may pakiusap para sa mga apo: ‘Gusto ko maging magkaibigan sila’

Ervin Santiago - September 05, 2023 - 12:45 AM

Jean hindi na nakialam sa paghihiwalay nina Jennica at Alwyn, may pakiusap para sa mga apo: 'They're not destined for each other'

Jean Garcia at Jennica Garcia

HINDI na nakialam si Jean Garcia sa naging desisyon ng kanyang anak na si Jennica Garcia na tuluyan nang makipaghiwalay sa asawa nitong si Alwyn Uytingco.

Naniniwala ang seasoned Kapuso actress na baka hindi talaga para sa isa’t isa ang estranged couple at mas mabuti nang magkanya-kanya na sila ng landas at mag-focus na lang sa kanilang co-parenting agreement.

Tatlong taon na ngayong hiwalay sina Jennica at Alwyn at inaayos na rin nila ang annulment ng kanilang kasal. Sinubukan naman daw ng dating mag-asawa na i-save ang kanilang relasyon pero hindi na raw talaga umubra.

“Ang maganda lang talaga, ginawan naman nila ng paraan, di ba, na mag-work yung relationship. Tinray naman nila uli. Pero it’s just so happened na siguro they’re not destined for each other.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“They’re not meant for each other, they have children. So ako, gusto ko maging magkaibigan sila. Magkasundo sila para sa mga bata, as parents.

“Pero yung relationship sa kanila, nakapag-move on na si Jennica nang matagal na. I’m sure nakapag-move on na rin si Alwyn, feeling ko,” ang chika ni Jean sa presscon ng bagong Kapuso series na “Maging Sino Ka Man” kung saan gaganap siyang nanay ni Barbie Forteza.

“Ang payo ko lang kay Jennica is maging strong siya, na yung faith niya sa Panginoon na kahit na heartbroken siya, huwag mawawala.

“Kumbaga, kung kailangan niya ako, ang support, basta kung ano ang kailangan niya. Kailangan niya ng advice, kailangan niya ng nanay, kailangan niya ng kaibigan, nandiyan ako,” sey pa ng premyadong aktres.

Naniniwala rin si Jean na parehong may pagkukulang sina Alwyn at Jennica sa kanilang pagsasama, “Kung meron mang mga faults si Alwyn, I’m sure may fault din si Jennica. So, both yan pareho.

Baka Bet Mo: Wish ni Jennica bilang anak ni Jean: ‘I’m praying na sana pareho kami ng kapalaran ni Mama’

“Ayoko namang i-blame yan lahat kay Alwyn nang dahil ako ang nanay ni Jennica. Palagay ko, hindi lang talaga sila para isa’t isa.”

Naibahagi rin ni Jean ang tungkol sa maagang pagpapakasal ng anak kay Alwyn, “Kasi yung istorya niyan, nu’ng nag-decide silang magpakasal na dalawa, hiningan ko sila ng dalawa pang taon bago magpakasal. Pero nagpakasal pa rin sila.

“Humingi pa ako ng dalawang taon. Si Jennica, 24 ba? Sabi ko 26 siya o 28 years old sana siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Basta parang ganu’n, e. Hindi ko na matandaan kung anong age sila nu’n. Itinuloy. Nirerespeto ko yun. Pero sabi ko, make sure na gusto ko maayos,” pagbabahagi pa ni Jean.

Rebelasyon pa ni Jean, sumama ang loob niya kay Alwyn, “Siguro nu’ng una. Kasi parang gusto nilang i-workout pero… nu’ng una medyo…

“Siyempre, normal naman yun sa mother-in-law na, di ba? Siyempre, babae yung sa akin. Pero ngayon, wala na, e. Nawala na yung tampo. Nawala na yung galit.

“Kasi at the of the day, siguro talagang hindi sila para sa isa’t isa na kailangan ko ring tanggapin,” sey pa ni Jean.

Bwelta ni Jean kay Alwyn: Respeto lang ang hinihingi ko sa ‘yo…just saying!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jean Garcia may ‘cryptic quote’ kasabay ng muling pagbabalikan nina Jennica at Alwyn

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending