Makihataw, makikanta, makitawa sa bagong ‘Trolls’ movie

Makihataw, makikanta, makitawa sa bagong ‘Trolls’ movie, showing na

Pauline del Rosario |November 16,2023
facebook
share this

Makihataw, makikanta, makitawa sa bagong ‘Trolls’ movie, showing na

Pauline del Rosario - November 16, 2023 - 01:14 PM

Makihataw, makikanta, makitawa sa bagong ‘Trolls’ movie, showing na sa mga sinehan

PHOTO: Courtesy Universal Pictures

KUNG good vibes ang hanap ninyo, swak na swak ang bagong chapter ng blockbuster musical ng “Trolls” na showing na ngayon sa mga sinehan.

Ito ang “Trolls Band Together” na hindi lang para sa mga bata, kundi pati na rin sa buong pamilya!

Bida ulit diyan ang boses ng American actress na si Anna Kendrick at international singer na si Justin Timberlake.

Napanood ng BANDERA ang nasabing animated film at talaga namang nag-enjoy kami habang pinapanood ito.

Lalo na ‘yung mga bata na kasama naming nanood sa sinehan ay talaga namang aliw na aliw.

Bukod kasi sa nakakaindak na mga kanta ay maganda rin ang istorya nito na tungkol sa pagmamahal ng isang pamilya.

Mapapanood na muling sumabak sa panibagong journey sina “Poppy” (Anna Kendrick) at “Branch” (Justin Timberlake) upang iligtas ang isang kapatid ni Branch na kinidnap ng tinatawag na pop-star villains na sina Velvet at Veneer.

Baka Bet Mo: NSYNC naglabas ng bagong kanta after 20 years, magsisilbing lead track ng bagong ‘Trolls’ movie

Star-studded din ang bagong “Trolls” movie kung saan nag-uumapaw ang mga bagong karakter.

Tampok ang mga sikat na international singers na sina Troye Sivan at Camila Cabello, pati na rin sina Zosia Mamet, 12-time Emmy winning drag icon RuPaul Charles, Eric André, at Grammy winners na sina Daveed Diggs at Kid Cudi.

Ang returning cast naman ay sina Zooey Deschanel, Christopher Mintz-Plasse, ang Icona Pop duo na sina Aino Jawo and Caroline Hjelt, Grammy winner Anderson.Paak, comedian Ron Funches, SAG nominee Kunal Nayyar at Emmy winning Saturday Night Live legend Kenan Thompson.

Kung maaalala, ang kauna-unahang “Trolls” movie ay ipinalabas noong 2016, habang ang kasunod nito na may titulong “Trolls World Tour” ay noon pang 2020 na parehong nakakuha ng nominasyon bilang “Best Original Song” sa Oscars.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Gusto ko nang bumitaw’ swak na swak sa hiwalayang Trina Candaza at Carlo Aquino

BGYO hataw kung hataw sa sariling version ng ‘A Better Place’ ng NSYNC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending