JM may hirit kay Donnalyn kung ano ang tunay na intensiyon

JM may hirit kay Donnalyn nang tanungin kung ano ang tunay na intensiyon sa kanya

Pauline del Rosario |November 13,2023
facebook
share this

JM may hirit kay Donnalyn nang tanungin kung ano ang tunay na intensiyon sa kanya

Pauline del Rosario - November 13, 2023 - 02:53 PM

Hirit ni JM nang tanungin ni Donnalyn kung ano ang tunay na intensiyon sa kanya: ‘Asawahin ka!’

PHOTO: Instagram/@1migueldeguzman

MATAPOS ang dream come true na maka-date ang actress-vlogger na si Donnalyn Bartolome, inamin na ng aktor na si JM De Guzman ang tunay na intensyon niya sa dalaga.

Sa pamamagitan ng YouTube vlog, ibinandera ni JM ang tila documentary ng mga nakakakilig na pangyayari sa kanilang first date.

Pinamagatan pa nga niya itong “JM and Donnalyn’s not so friendly date.”

Sa umpisa ng vlog, mapapanood na hinarana muna ng aktor ang vlogger sa harap ng kanyang bahay.

Pagkatapos niyan ay binigyan niya ng bouquet ang dalaga, pati na rin ng white dress na kanyang susuotin sa kanilang date.

Dinala ni JM si Donnalyn sa isang romantic yacht date at doon sabay nilang pinagmasdan ang sunset.

Hirit ni JM kay Donna, “Sana napasaya kita kahit konti.”

Sagot sa kanya ng aktres, “Oo naman, nakakatuwa ‘yung mga pinaggagawa mo. Ma-effort.”

Baka Bet Mo: JM de Guzman sinorpresa ni Donnalyn Bartolome: Nabigyan mo ako ng pagkakataong lumigaya

At speaking of effort, pinaghandaan din ni JM ang naging dinner date nila sa yate.

Makikita ang romantic design na may tumutugtog pa ng violin, at ang kanilang kinain ay steak with mashed potatoes.

Habang kumakain ang dalawa, tila na-hot seat si JM sa ilang mga naging katanungan ni Donnalyn.

“Bakit ako?” tanong ng actress-vlogger.

Sey ng aktor, “Tulad nga ng ga sinabi ko sayo kanina, you bring light. Masyadong pa-cute ‘yun, pero nai-inspire mo nga ako.”

Follow-up question pa ni Donna, “Anong difference? Marami diyang iba oh.”

“Ang difference is ‘yung gusto kong mag-effort,” sagot sa kanya ni JM at sabay tanong, “Sa tingin mo Donna, may pag-asa ako sayo?”

“Lahat naman may pag-asa nga. Ano ba ang intensyon mo sakin?” tugon naman sa kanya ng vlogger.

Diretsahang sabi ng aktor, “Asawahin ka.”

Nabigla ang aktres sa sinabi ni JM, “Ha! Grabe naman ‘yun!”

Paliwanag naman ng aktor, “‘Yun nga intensyon ko pero pangmatagalan na ‘yun. Long term ‘yun. Alam kong marami pa akong kakaining bigas tsaka tatahakin na mababakong daan.”

Sambit pa ni JM, “Talagang wife-material ka lang talaga.”

Hindi pa riyan natapos ang pa-ganap ng aktor dahil isinabay na rin niya ang pa-surprise birthday para kay Donna dahil ayon sa kanya ay hindi sila magkakasama sa araw mismo ng kaarawan ng aktres.

Maliban sa strawberry cake at bouquet ay first time ding nagbigay ng love letter si JM para kay Donna.

At diyan na inamin ni JM na mahal na mahal niya ang vlogger at willing siyang maghintay para sa dalaga.

“Sana ma-prove ko sayo sa maliit na paraan ko na mahal na mahal kita. Hindi ako mapapagod kaka-prove sayo, babawi ako. Mahal kita Donna. Mahal na mahal. Take your time,” lahad sa sulat.

Reaksyon ni Donna, “Infairness sayo ah, isang taon na, hindi ka pa rin sumusuko. Galing mo dun ah. Gaano katagal ba ang kaya mong hintayin?”

“Hindi ko nga naiisip ‘yun eh na nag-aantay ako,” sambit naman ni JM.

Maraming fans at netizens naman ang kilig na kilig sa dalawa at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Bagay na bagay kayo [heart hands emoji] While I’m watching naka-smile lang ako at kinikilig at the same time [red heart emoji] sana kayo na forever.”

“Iba ‘yung kilig ko dito! Grabe! Can’t wait for the perfect day na maging sila na finally! [red heart emoji].”

“Hooooy grabeeeee! Napanindigan niyo na ‘yung kilig namin since day 1!! Sobrang lakas talaga ng chemistry niyo. Bagay na bagay! [smiling face with heart eyes emoji].”

Bago ang YouTube video, proud na ibinandera ni JM sa Instagram ang pagpayag ni Donnalyn sa kanilang date.

Ayon pa nga sa binata, isang taon siyang naghintay at ilang beses siyang sumubok na ayain si Donna, ngunit ilang beses na rin daw siyang tinatanggihan.

Gayunpaman, itinuloy pa rin daw niya ang panliligaw at nagpursige talaga siya sa kanyang goal hanggang sa pumayag na nga ito.

“Ay hindi, liligawan ko siya. Niligawan ko siya. Dalaw ako ng dalawa baka sakaling dumating ‘yung araw na pumayag na siya. Lumipas ang isang taon at dalawang buwan. Hunyo 2023, pumayag na siya,” ani niya sa post.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Donna Cruz batambata pa rin ang itsura sa edad na 46, parang ‘twin sister’ lang ang panganay na anak

JM de Guzman umaming ‘naaadik’ ngayon sa isang female celebrity…si Donnalyn Bartolome ba yarn!?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending