Diana Zubiri may kundisyon bago pumayag sa sexy pictorial sa EDSA flyover; hindi masyadong happy sa paghuhubad noon | Bandera

Diana Zubiri may kundisyon bago pumayag sa sexy pictorial sa EDSA flyover; hindi masyadong happy sa paghuhubad noon

Ervin Santiago |November 13,2023
facebook
share this

Diana Zubiri may kundisyon bago pumayag sa sexy pictorial sa EDSA flyover; hindi masyadong happy sa paghuhubad noon

Ervin Santiago - November 13, 2023 - 07:33 AM

Diana Zubiri may kundisyon bago pumayag sa sexy pictorial sa EDSA flyover; hindi masyadong happy sa paghuhubad noon

Diana Zubiri

KNOWS n’yo ba na may hiningi palang kundisyon si Diana Zubiri bago niya ginawa ang kontrobersyal niyang sexy pictorial noon para sa isang men’s magazine?

Inalala ng aktres ang kanyang sexy photo shoot na kinunan sa EDSA flyover sa Ortigas para sa FHM na naging dahilan para sampahan siya ng kaso.

Nagkuwento siya tungkol dito nang mag-guest siya sa kamakailan sa “Fast Talk With Boy Abunda” ng GMA 7.

“Actually ito simpleng shoot lang, dinare ako ng manager ko. Sabi niya, ‘Kaya mo bang mag-photoshoot sa EDSA?’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diana Zubiri-Smith (@dianazubirismith)


“Siyempre kapag sinabing FHM sexy, tapos may mga dumadaan na sasakyan,” pagbabahagi ni Diana sa interview ni Tito Boy last Friday.

Baka Bet Mo: ‘Lampungan’ photos nina Ellen at Derek sa beach binanatan ng netizens: Mahiya naman kayo!

Tinanggap ni Diana ang hamon pero may kondisyon, “Noong time na ‘yan lumabas ‘yung bagong model ng cellphone, ‘yung unang-unang may camera, Nokia ‘yun.

“Artista na ako wala akong cellphone, nakiki-text lang ako sa ate ko kapag may mga call time,” pagbabalik-tanaw ni Diana.

Kaya ang hiningi raw niya sa kanyang talent manager ay isang cellphone na may camera.

“Sabi niya ‘Yun lang pala, eh! Sige!’ Mali pala ‘yung hiniling ko, cellphone lang,” ang tawa nang tawang pahayag ni Diana.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Karylle (@anakarylle)


In fairness naman daw, nu’ng mismong araw ng kanyang pictorial ay nagetsing na rin niya ang wish na cellphone.

Baka Bet Mo: Diana Zubiri namimiss sina Sunshine, Iza, Karylle: Emo muna bago matulog…

Samantala, inamin naman ni Diana na hindi siya totally happy noong sumabak siya sa mga sexy projects.

“Happy? Medyo hindi masyado, kasi bata ako noong magsimula. I was just doing that kasi siyempre ‘yun ‘yung stepping stone ko, gusto ko talagang mag-artista noong time na ‘yun.

“Doon ako dumaan, and hindi ko masasabing alam na alam ko ang ginagawa ko.

“Mahirap kasi at that age, hindi pa ako mulat sa kung ano siya, wala pa akong masyadong idea kung paano ang gagawin ko,” paliwanag ni Diana na sumikat nang todo nang mapasama sa unang version ng “Encantadia” (2005) as Danaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya happy ako na nag-transform ang image ko agad-agad,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending