'Lampungan' photos nina Ellen at Derek sa beach binanatan ng netizens: Mahiya naman kayo! Bandera

‘Lampungan’ photos nina Ellen at Derek sa beach binanatan ng netizens: Mahiya naman kayo!

Alex Brosas |April 26,2021
share this

‘Lampungan’ photos nina Ellen at Derek sa beach binanatan ng netizens: Mahiya naman kayo!

Alex Brosas | April 26,2021 - 05:37 PM

MARAMI ang nag-react sa lampungan photos which Ellen Adarna posted on her Instagram account.

In a collage of photos, Ellen showed to all and sundry kung gaano siya ka-sweet sa kanyang fiancé na si Derek Ramsay.

There photos showed the couple na sobrang sweet, naglalampungan sa beach at talaga namang napaka-OA sa kanilang PDA. Yakap kung yakap, halik kung halik ang drama ng dalawa kesehodang tirik na tirik ang araw.

While they were just being intimate with each other, marami ang nandiri at sumita sa kanilang nakita.

Netizens thought that social media should be spared from such photos dahil maraming teenagers ang makakakita nito.

Not surprisingly, na-bash ang couple sa social media.

“OMG, go home and do it n ur house.”

“So vulgar! You were shameless & no delicacy!”

“Poor Derek he will do anything  just to get notice… sad.”

“Napu unayen!!!  Apaka walang delikadesa. Ang daming problema ng kalibutan ganyan ibuyangyang sa publiko?”

“De nyu ba magawa yan sa loob ng house nyu, tas pag may sumita sa inyu galit kayu parang pagaari nyu mundo.”

“Piliin nmn sna ang lugar hndi ung kh8 sa public place nggaganyan nagmumukhang Hayok na hayok.”

“Mga walang modo!!! Ellen hindi ka mahal nyan dahil bina bastos ka at hindi ka ginagalang!! Mga manyakis na mga tao.”

“Wala na talagang pinipiling lugar ang mga tao ngayon. Mahiya naman sana kayo.”

“Mga walang isip kadiri nman to, pati ba nman sa lugar nyan parehong walang respeto sa mga sarili.”

May nagtanggol naman sa couple as one guy said, “Normal lang yan sa isang magkasintahan. Mas may grabeh pa jan ah..buti nga ganyan lang. Mind set lang kasi yan kayo lang ang nagbibigay ng malisya kc.

“Kung ayaw nyong makita wag kayo mag coment at wag nyo tingnan..kayo ang nagkakasala kc kayo ang nagbibigya ng malisya or baka nagwa-Water-Water na din kayo sa nakikita nyo sa post nila,” sabi pa ng netizen.

* * *

Ano ang gagawin ni Tisay  (Heaven Peralejo) para idiin si Diana (Glydel Mercado) sa kanyang mga krimen at para buuin muli ang mga pamilyang iningatan niya?

Hinaharap ngayon ni Tisay ang pinakamatinding pagsubok sa kanyang  buhay dahil nawasak na ang kanyang dalawang pamilya sa patuloy na paghihiganti ni Diana sa huling linggo ng “Bagong Umaga.”

Para makaiwas sa panganib, pumayag si Tisay na manatili sa pamamahay nina Maggie (Sunshine Cruz) at Ian (Cris Villanueva). Pinirmahan na rin niya ang mga dokumento para maging legal na siyang Veradona, na masidhing tinutulan at ikinagalit nina Monica (Nikki Valdez) at Jose (Keempee de Leon).

Mas lalala pa ang sitwasyon dahil malalaman nina Angge (Michelle Vito) at Diana na sila ay mag-ina. Hindi matatanggap ng dalaga ang katotohanang ang inang kanyang matagal nang hinahanap ang may kagagawan sa gulo at trahedya sa buhay ng kanyang mga kaibigan at kinalakihang pamilya.

Paano ngayon haharapin ni Diana ang rebelasyong buhay pala ang kanyang anak? Mabuo pa kaya ni Tisay ang kanyang mga pamilya?

Panoorin ang huling linggo ng “Bagong Umaga” sa A2Z channel sa free TV at digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus, sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, at iWantTFC. Sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending