Diana Zubiri namimiss sina Sunshine, Iza, Karylle: Emo muna bago matulog… | Bandera

Diana Zubiri namimiss sina Sunshine, Iza, Karylle: Emo muna bago matulog…

Pauline del Rosario |March 25,2023
facebook
share this

Diana Zubiri namimiss sina Sunshine, Iza, Karylle: Emo muna bago matulog…

Pauline del Rosario - March 25, 2023 - 09:00 AM

Diana Zubiri namimiss sina Sunshine, Iza, Karylle: Emo muna bago matulog…

PHOTO: Instagram/@dianazubirismith

NAGING emosyonal ang dating aktres na si Diana Zubiri sa kanyang latest social media post.

Ibinandera niya sa Instagram ang isang throwback picture kasama ang original cast ng classic GMA telefantasya na “Encantadia” na sina Sunshine Dizon, Iza Calzado at Karylle.

Kung maaalala, taong 2005 nang unang ipinalabas ang nasabing teleserye at apat na artista ang bumida bilang Sang’gre na sina Danaya, Pirena, Amihan at Alena.

“Sending you guys hugs and kisses,” saad ni Diana sa kanyang Instagram post.

Dagdag pa niya, “Nakamiss kayo. Emo muna bago matulog.”

Baka Bet Mo: Diana Zubiri, Andy Smith super happy na sa buhay nila sa Australia kasama ang mga anak, kakaririn ang New Year’s resolution ngayong 2023

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diana Zubiri-Smith (@dianazubirismith)

Mababasa na may isang fan ang naging emosyonal din sa kanyang post at sinabing, “Ate, samahan ka po namin mag-emo kasi totoo talagang nakaka-miss kayong mga Sanggre. Damay-damay na ‘to!!!”

Sumagot naman diyan si Diana at ayon sa kanya, “Don’t worry naiyak din ako. It’s a tie [sad face emoji] Avisala Eshma.”

Kahit ang iba pang netizens ay napa-trip down to memory lane ang peg sa comment section at binalikan ang kanilang memories patungkol sa classic teleserye.

Narito ang ilan sa mga komento nila:

“Ito talaga pinakasikat at iconic na fantaserye ng Pinas mula pagkabata ko sumunod ‘yung mulawin sarap balikan ‘yung pakiramdam ‘nung bata ka.”

“‘Yung kanta talaga [sad face emoji] naalala ko dati nung bata pa ako lage ko ’to inaabangan. At yung song palagi ko kinakanta.”

“Sila mga original na Sanggre na hanggang ngayon hinding-hindi malilimutan namin noong kabataan pa namin.”

Samantala, mahigit isang taon nang naninirahan sa Australia si Diana kasama ang kanyang asawang model na si Andy Smith at tatlong mga anak na sina King, Aliyah Rose at Amira Jade.

Sa isang YouTube vlog, siniguroni Diana na hindi siya nagsisisi na iwan muna ang showbiz para mag-focus sa piniling buhay sa ibang bansa.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Mananalo si Angel kung tatakbong senadora o congresswoman’

‘Lampungan’ photos nina Ellen at Derek sa beach binanatan ng netizens: Mahiya naman kayo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending