Ryan Bang ibinandera kung paano natagpuan ang non-showbiz dyowa: Ang tunay na pag-ibig, hindi hinahanap, dumarating

Ryan Bang ibinandera kung paano natagpuan ang non-showbiz dyowa: Ang tunay na pag-ibig, hindi hinahanap, dumarating

Therese Arceo |November 11,2023
facebook
share this

Ryan Bang ibinandera kung paano natagpuan ang non-showbiz dyowa: Ang tunay na pag-ibig, hindi hinahanap, dumarating

Therese Arceo - November 11, 2023 - 01:55 PM

Ryan Bang ibinandera kung paano natagpuan ang non-showbiz dyowa: Ang tunay na pag-ibig, hindi hinahanap, dumarating

Ryan Bang

HINDI inaasahan ng TV host-comedian na si Ryan Bang na matapos ang matagal niyang paghahanap ng kanyang “the one” ay darating ito sa hindi inaasahang pagkakataon.

Naging bukas ang “It’s Showtime” host ukol sa kuwento kung paano niya natagpuan ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Paola Grace Huyong after ng kanilang Magpasikat performance noong Miyerkules, November 8.

Ang tema kasi ng kanilang performance ay sumisentro sa “healing”.

“Paglalahad ni Anne, Everyone needs healing, the world needs healing, we all need healing. With everything that is happening, we wanted to use this platform to reach out to people, to pray for everyone. For some, the world is healing na talaga, like si Ryan, nakahanap ng…” ani Anne.

Kita naman na tila kinikilig at in love na in love ang “It’s Showtime” host.

“Now I’m, Madlang People, healing by loving. Sa sobrang tagal ng panahon, alam naman natin, Madlang People talaga na ang hirap pala maghanap ng taong iibigin ko at iibigin ako,” pagbabahagi ni Ryan.

Amin niya, hindi niya inaasahang tutuparin ng Panginoon ang matagal na niyang hiling na mahanap ang kanyang “the one”.

Baka Bet Mo: Payo ni Lolit Solis kay Ryan Bang: ‘Huwag makipagsabayan kay Vice Ganda, umiwas sa gulo para hindi masuspinde’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Dumating sa punto na nag-give up na ako. Kasi baka gusto talaga ni Lord na single ako, para makapag-focus ako sa sarili ko,” saad ni Ryan.

Pagpapatuloy niya, “Pero nung nag-give up na po ako talaga, out of nowhere, nung naglaro lang po ako ng football talaga nakita ko yung the one. Naniniwala na po ako na kapag nakita mo [ang] the one, talagang alam mo na, may spotlight, may slow-mo.”

Nagbigay naman ng mensahe si Ryan sa lahat ng mga taong patuloy pa rin sa paghahanap at paghihintay para sa taong laan paraxsa kanila.

“Alam kong marami diyang Madlang People na tulad ko, matagal na naghihintay ng the one.

“Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na ang tunay na pag-ibig, hindi hinahanap, dumarating po,” sey ni Ryan.

Sey naman ng kanyang nanay-nanayan na si Vice Ganda, “In love siya. Ang ganda ng mga sinabi niya.”

Matatandaang noong August 29, ibinandera ni Ryan ang balitang finally ay in a relationship na siya matapos ang ilang taong pagiging single.

“Gusto kong sabihin sa aking Showtime family, sa harap ninyo, Mommy, Daddy, kay kuya ko, ate ko, T’yang, may girlfriend na ako,” sey ng dating “Pinoy Big Brother” housemate.

“Ang saya-saya. Alam mo kahapon, ang sama-sama ng pakiramdam ko tapos nag-text siya sa akin, ang saya-saya niya.

“Sabi niya, ‘Mommy, ikaw una kong sasabihan.’ Tapos tinawagan ko siya, umiiyak siya [Ryan],” sey ni Vice noon.

Samantala, nakilala na rin ng ilang “It’s Showtime” hosts si Paola nang magbakasyon sila sa HongKong noong October.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda humirit sa lahat ng single: ‘Madlang pipol, si Ryan Bang may dyowa na, ang tanong… ikaw kaya, when?’

Pokwang puring-puri si Ryan Bang, sinabing deserve manatili sa Pinas: ‘Yung iba dyan user lang ang peg

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending