Paul Soriano hindi na konektado sa Department of Tourism

Paul Soriano hindi na konektado sa Department of Tourism

Therese Arceo |November 09,2023
facebook
share this

Paul Soriano hindi na konektado sa Department of Tourism

Therese Arceo - November 09, 2023 - 02:38 PM

Paul Soriano hindi na konektado sa Department of Tourism

Paul Soriano

KUMPIRMADONG wala nang kaugnayan ang direktor at asawa ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano sa Department of Tourism (DOT).

Sa naganap na Senate plenary session ngayong araw, November 9, napag-usapan sa gitna ng deliberasyon ang panukalang P5.768 trillion na pondo para sa 2024.

Dito nga ay natanong ni Senate Minority leader Aquilino “Koko” Pimentel Jr. kung nasaan si Paul habang pinag-uusapan ang proposed budget ng Office of the President (OP).

“Wala na ba siya ngayon?” tanong ni Pimentel.

Baka Bet Mo: Vanessa Hudgens bibida sa travel docu ni Paul Soriano, babalikan ang family history sa Pinas kasama ang ina

Sagot naman ng chairman ng Senate committee on finance na si Sen. Sonny Angara, “Wala na po.”

Nabanggit ang pangalan ni Paul nang mausisa ni Pimentel Jr. ang isang ad campaign na “We give the world our best” na makikita sa mga bus sa London.

Nais kasing malaman ng senador kung sino ang nag-pondo ng naturang ad campaign sa ibang bansa.

Depensa ni Angara, hindi nanggaling sa OP ang pondo ng naturang kampanya at sinabing baka may kinalaman ang DOT sa ad campaign.

“So it was not a certain presidential adviser kung ganun?” muling tanong ni Pimentel na walang pangalang binabanggit.

Saad naman ni Angara, ang mga ginamit na pondo para sa ad campaign sa ibang bansa ay hindi mula sa official funds.

“Baka initiative nya personally. Maaring ganun…I’m just speculating…” sey pa ni Pimentel.

Nagtataka naman ang senador kung bakit walang nag-iimbestiga kung saan nagmula ang pondong ginamit sa naturang ad campaign.

Tanong ni Pimentel, “Kelangan pa pa lang i-request. Walang kusa, wala tayong interest what’s happening? That’s an ad campaign. It mentions our country, sa London. Wala? Nobody lifted a finger to find out the background information. Wala? No one?”

Sagot naman ni Angara, “Because it was still during the time of Director Paul Soriano. That’s what I’m told baka sya ang nakakaalam, we’ll ask.”

Matatandaang noong July nang ianunsyo ng Malacañang na nag-file ng leave of absence ang asawa ni Toni Gonzaga due to personal matters.

Related Chika:
Toni, Paul hindi nagpakita sa SONA ni Pangulong Bongbong, pang-aasar ng netizens…anyare sa ‘most powerful couple’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Toni Gonzaga ipinanganak na ang baby no. 2 nila ni Paul Soriano: Paulina Celestine Gonzaga Soriano has arrived

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending