Kasambahay ni Alex nag-iiyak matapos mapanood ang interview ni Toni: 'Akala ko kung anong nangyari...tapos bigla akong niyakap' | Bandera

Kasambahay ni Alex nag-iiyak matapos mapanood ang interview ni Toni: ‘Akala ko kung anong nangyari…tapos bigla akong niyakap’

Ervin Santiago |November 08,2023
facebook
share this

Kasambahay ni Alex nag-iiyak matapos mapanood ang interview ni Toni: ‘Akala ko kung anong nangyari…tapos bigla akong niyakap’

Ervin Santiago - November 08, 2023 - 07:10 AM

Kasambahay ni Alex nag-iiyak matapos mapanood ang interview ni Toni: 'Akala ko kung anong nangyari...tapos bigla akong niyakap'

Mikee Morada, Alex Gonzaga at Jen

PINUSUAN at umani ng sandamakmak na comments ang ipinost ni Alex Gonzaga sa kanyang social media accounts tungkol sa kanilang kasambahay.

Nahuli kasi ng actress-TV host at vlogger ang kanilang helper na si Jen na umiiyak kaya naman takang-taka siya kung anong dahilan ng pagiging emosyonal nito nu’ng araw na yun.

Nalaman ni Alex na hindi raw napigilan ni Jen ang maiyak matapos mapanood ang panayam sa kanya ng kapatid na si Toni Gonzaga sa YouTube channel nitong “Toni Talks”.

Sa Instagram story ni Alex, mapapanood ang video ng kanyang kasambahay na nagpupunas ng kanyang luha.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ang inilagay na caption ng content creator sa kanyang IG post ay, “Nakita ko si Jen umiyak kala ko ano nangyari sabi ko ‘bakit ka umiiyak?’

“Bigla ako niyakap. (Sabi niya) ‘Ngayon ko lang natapos interview mo e,’” ang kuwento pa ni Alex

Baka Bet Mo: Sikat na aktres puro tira-tirang ulam ang inireregalo; kaibigan nagreklamo sa panis na pasalubong

Ang tinutukoy na interview ni Alex ay ang pag-amin niya kay Toni na hindi nagtagumpay ang unang pagsubok nila ng asawang si Mikee Morada na magka-baby sa pamamagitan ng in vitro fertilization.

Inamin ni Alex na hindi naging madali ang pinagdaanan niya nang subukang magka-baby via IVF, lalo pa nang malaman nila ni Mikee na hindi pa rin ito umubra.

Binalikan ni Alex ang araw nang malaman niyang sumablay ang IVF procedure na ginawa nila ni Mikee. Aniya, talagang super pray siya kay Lord at sinabing tatanggapin niya kahit ano ang maging resulta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Talaga raw sinubukan niyang maging matapang sa harap ni Mikee. Sabi nga raw niya sa asawa, “Okay na ako bukas. Hindi man matuloy yung pregnancy natin, okay na ako.

Baka Bet Mo: Rica nanawagan sa seguridad at proteksyon ng mga kasambahay: Nakatagpo kami ng maayos na kasama sa buhay…

“Tapos, sabi ni Mikee sa ‘kin, ‘Iyon lang naman inaantay ko, e. Kung okay ka, okay ako.’ Tapos, sobrang saya niya niyakap niya ako!

“Tapos, the next day, ang prayer ko na kay Lord, e, ‘Lord, please, kapag hindi maganda yung news be with me. Sana samahan niyo ako, Lord. Hindi ako masasaktan, hindi ako malulungkot. Hawakan niyo ako, yung maramdaman ko na nandun kayo,'” pahayag pa ni Alex.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Taong 2021 noong unang beses na nakunan si Alex sa panganay na anak sana nila ni Mikee.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending